SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, September 18, 2008

Polo Ravales Plays �Ultimate Gay Role� in �Walang Kawala�

Hindi na rin pala nakatanggi si Polo Ravales na gumanap ulit ng ng gay role nang ialok sa kanya ang Walang Kawala, kung saan makakasama niya si Joseph Bitangcol. Matatandaang unang gumanap ng gay role si Polo sa pelikulang Manay Po ng Regal Entertainment, na nagkaroon pa ng sequel.

Ayon kay Polo, �ultimate gay role� raw ang gagawin niya sa Walang Kawala dahil hindi lang kissing scene meron siya kasama si Joseph kundi may mga maiinit na love scenes pa sila. Kaya kinukondisyon na nina Polo at Joseph ang kanilang mga sarili dahil mapapalaban daw talaga sila sa pelikulang ito.


May tiwala ako kay Direk Joel [Lamangan],� sabi ni Polo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). �Siya ang hahawak ng movie at ilang beses ko na siyang nakatrabaho. Kaya noong malaman ko na siya ang magdidirek, walang problema sa akin. Matsa-challenge ako ulit sa kanya. Kaya sige gawin na namin para maiba naman.

Tungkol naman sa mga gagawin naming eksena ni Joseph, nagkausap naman na kami about that. Close naman kami ni Joseph, e. Magkasama kami sa mga shows ng Boyz.Com kaya more or less, wala akong problema with him.

Game naman si Joseph kasi nga alam niyang maganda ang magiging role namin sa movie. Who knows at baka magka-award pa ang isa sa amin with this movie. Kaya gagawin na lang namin ang anumang i-require na acting sa project.�

Mala-Brokeback Mountain nina Heath Ledger at Jake Gyllenhaal daw ang dating ng Walang Kawala, pero isinulat ito na babagay sa local setting natin. Makakasama rin nina Polo at Joseph sa movie sila Jean Garcia at Emilio Garcia.

Si Enrique Ramos ang nagsulat ng script ng Walang Kawala.


- Ruel Mendoza, PEP

No comments:

Post a Comment