SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Tuesday, July 15, 2008

"Judy Ann Santos will Remain as Kapamilya" - Malou Santos

Nakausap ng movie press ang Managing Director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos at ang lady executive din ang nagkumpirma na natuloy na last week ang meeting ni Judy Ann Santos and her manager, Alfie Lorenzo, sa ilang executives ng ABS-CBN, �tulad ng may-ari na si Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio, Ms. Cory Vidanes, at si Ms. Malou.

Naging malinaw rin sa entertainment press na walang mangyayaring paglipat ng network si Judy Ann.

Lahad ni Ms. Malou, "Nakapag-usap naman po noong Thursday [July 10], dito rin sa 14th Floor. Tuloy ang taping ng Nurserye [ni Judy Ann], pero pagdating na niya ang pagre-resume ng taping dahil aalis ulit siya at sa August na ang balik niya.

"Magkakaroon din siya ng isang episode sa MMK, pero hinahanapan pa ng magandang istorya. Sisimulan na rin yung sitcom nila ni Ryan Agoncillo, kasama si Ai-Ai delas Alas. And then, her movie with Star Cinema."

Nang tanungin ang Star Cinema executive kung may napag-usapan ba tungkol sa nasusulat at nababalitang paglipat ng network ni Juday, wala raw na-mention at all na ganoon sa kanilang meeting.

"Wala namang na-mention na lipatan," sabi ni Ms. Malou. "I could say na yung naging usap, it's more on nagkaayos. It's more on kung anuman ang nangyari, huwag na lang nating pag-usapan."

Masaya naman daw lahat during the meeting at naging maganda ang pag-uusap at mga planong nakatakdang gawin for Juday's projects.

Ayon pa kay Ms. Malou, posibleng last quarter of this year mai-ere ang Nurserye ni Juday with Derek Ramsay dahil may pelikula pa ring gagawin ng aktres para sa Regal Entertainment, Kulam. Nabanggit nga raw ni Juday na magiging visible siya dahil sa promotion nito, kasama na rin ang mga ABS-CBN show na lalabasan niya.

No comments:

Post a Comment