SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, May 2, 2008

It's Confirmed! RICHARD GUTIERREZ is KC CONCEPCION's Leading Man in Her First Movie



Tuloy na tuloy na ang pagtatambal nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa pelikula. Ito ang kinumpirma ng Star Cinema sa report ng TV Patrol World.

Si Richard ang pumirma ng one-picture contract sa Star Cinema kahit exclusive GMA Films star ang young actor. Present sa contract signing sina Ms. Malou Santos at Roxy Liquigan ng Star Cinema; ang ina at manager ni Richard na si Ms. Annabelle Rama; at ang OIC ng GMA Films na si Noel Ferrer.

It should be emphasized that this movie is indeed an exclusive Star Cinema production and not co-produced by GMA Films. (Click here GMA Films press release.) The movie that will star Richard and KC is to be directed by Ms. Joyce Bernal, and will be released later this year.

Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa pagtatambal nina Richard at KC nang pumirma ng three-picture deal si KC sa Star Cinema last Wednesday, April 30. Hindi man siya nagbigay ng kumpirmasyon, nagbigay ng pahiwatig si KC na si Richard ang magiging leading man niya sa una niyang pelikula.

Nang tanungin kasi siya tungkol sa kanyang first leading man, ito lang ang binitawan niyang salita: "Siguro po ang masasabi ko riyan, ipinaglaban naming dalawa." (Click here to read full story.)

Marami ang nagsasabi na imposibleng magkatambal sina Richard at KC dahil nakakontrata sila sa magkalabang networks at film companies; si Richard sa GMA-7 at GMA Films samantalang si KC sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pero dahil na rin siguro sa matinding clamor mula sa mga tagahanga nina Richard at KC na pagsamahin sila sa isang pelikula, nagkaroon ng katuparan ang maitututring na "dream project" na ito.

Hindi nagbigay ng detalye ang TV Patrol World tungkol sa negosasyong naganap sa pagitan ng kampo ni Richard at ng Star Cinema, o kung gagawa rin ba ng pelikula si KC sa ilalim ng GMA Films. Pero matatandaang nagbigay ng feelers ang GMA Films sa Star Cinema na willing silang makipag-co-produce para sa proyektong pagsasamahan nina Richard at KC.

Sa contract signing ni KC ay sinabi niya na sobrang excited siya sa mga naka-lineup na pelikula niya sa Star Cinema dahil marami raw silang sorpresang ihahandog sa mga manonood. Ang pagtatambal nila ni Richard, na balitang nanliligaw rin kay KC, ang tinutukoy na isa sa mga sorpresa ng young actress.

Kinumpirma rin ng managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos na isa si Richard sa pinagpipilian nilang maging leading man ni KC.

Sisimulan ang shooting ng pelikula nina Richard at KC sa June, pagbalik ng young actress mula sa pagbabakasyon niya sa Paris, France.

No comments:

Post a Comment