SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, March 18, 2010

"Summer ang Simula", an ABS-CBN 2010 Summer Station ID

Salubungin na ang summer kasama ang mahigit 150 Kapamilya stars sa paglulunsad ng ABS-CBN ng kanilang pinakaabangang summer station ID (SID) na pinamagatang "Summer ang Simula" ngayong Linggo (Mar 21) sa "ASAP XV."


Ang naturang SID, ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen, ay nakaankla sa ideya na ang summer ay ang pinakaperpektong oras para magsaya at maghanda para sa pagbabago.


"Bawat araw ng summer ay maaring araw para sa mga bagong simula. Bawat araw ay pagkakataon para maging aktibo sa pagtulong sa kalikasan, sa pagtaguyod ng kabuhayan, at pagtingin sa mundong tinitirahan natin sa mas positibong paraan," sabi ni Labayen.


Tunghayan ang pinakahinahangaang ABS-CBN entertainment at news personalities sa kanilang paglahok sa iba�t ibang gawain sa iba�t ibang platforms tulad ng Boto Mo, I-Patrol Mo, Bayanijuan, at iba pang programa ng ABS-CBN Foundation programs na Sagip Kapamilya, Kapit Bisig sa Ilog Pasig at E Media.


Bawat isa ay kakatawan sa isang imahe na kapag pinagsama-sama ay bubuo ng isang magandang larawan o collage na sumisimbolo sa mas mabuting mundo para sa ating mga Pilipino.


Ang awiting "Summer ang Simula" ay bibigyang buhay ni "Pinoy Dream Academy" Grand Star Dreamer Yeng Constatino at bokalistang si Kean ng Callalily. Ito ay isinulat ni Edsel Misenas sa saliw ng musikang likha nina Lloyd Corpuz, Odon Aspiras at Jordan Constantino. Si Jonathan Manalo naman ang nag-produce nito para sa Star Records.


Ang 2010 Summer SID ay linikha ng Creative Communication Management team sa pamumuno ni Robert Labayen, kasama sina Johnny de los Santos, Ira Zabat, Patrick De Leon at ang mga kasapi sa SID team na sina Edsel Misenas, Dang Baldonado, Danie Sedilla-Cruz, Joan Mole, Christina Barbin at Sheryl Ramos. Ang video naman ay directed by Paolo Ramos, kasama sina Peewee Gonzales, Assistant Director; Jimmy Porca, Project Coordinator; Odyssey Flores, Cinematographer; Oliver Paler, Post-Production Head; Sammy Esquillon at Angel Diesta, Production Designers; Gelo Dayao, Editor; Mary Ann Rejano, Caster; Marvin Bragas, Location Manager.


Abangan ang kapanapanabik na SID launch ngayong Linggo (March 21) sa summer episode ng "ASAP XV" sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment