SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, March 25, 2010

Oyo Boy Sotto Expresses His Feelings for Kristine Hermosa

Lalo ngang nagiging exciting ang mga happenings sa latest project ng tambalang Kristine Hermosa at Oyo Sotto lalo pa't makikita natin si Kristine sa kanyang sexy swimsuit ngayong linggo! Waging-wagi talaga ang kanilang romantic-comedy mini-series sa hapon ang Precious Hearts Romances (PHR) presents Quikilig �Lumang Piso para sa Puso."

Ngayong linggo, asahang magiging mas nakaaaliw at nakakikilig ang mga eksena at mas maiinit ang mga tagpo sa pagitan nina Sandra (Kristine) at Dave (Oyo). Kapalit ng lumang piso ng kanyang lola, pumayag manilbihan si Sandra bilang personal maid ni Dave. Bukod sa pagiging katulong ni Sandra, abangan din ang nakakikilig na pagtatagpo nila ni Dave sa company outing ng munisipyo kung saan malalantad ang kaseksihan ng dalaga.

Sa araw-araw na away-bati na pagsasama, lalo pa kayang lumala ang giyera sa pagitan ng dalawa o may chance kaya silang ma-in love sa isa�t isa lalo na ngayong magkakaroon sila ng pagkakataong mas magkalapit?

Kasama sina Ni�a Jose, DJ Durano, Angel Jacob, Mariel Sorino ng PBB Double Up at sa ilalim ng direksyon ni Rechie del Carmen. Pakatutukan ang huling dalawang linggo ng Precious Hearts Romances presents Quikilig "Lumang Piso para sa Puso," 5:15pm, pagkatapos ng Pilipinas Got More Talent sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment