SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, March 25, 2010

Christian Angelo Manhilot, Son of Actor Cesar Montano Commits Suicide

Christian Angelo Manhilot, ang 23-year-old na anak ng aktor na si Cesar Montano (Cesar Manhilot sa totoong buhay) sa kanyang unang asawa na si Marilyn Polinga (who passed away in 1993 dahil sa brain tumor) ay napabalitang nag-suicide bandang alas-sais kaninang umaga.

Ayon sa inisyal na report, nagbaril sa ulo si Christian gamit ang .45 kalibre ng baril sa loob ng kanilang bahay sa Yakal Street, Tivoli Royale subdivision in Barangay Batasan Hills, Quezon City. Nadala pa diumano si Christian sa Malvar Hospital in Quezon City pero idineklara ng patay bandang 6:40 ng umaga.

Ayon kay Superintendent Chris Mendoza na may hawak ng kaso, natagpuan ng helper ng mga Manhilot na si Alicia Pancho ang biktima na naliligo sa sariling dugo sa 2nd floor na kusina ng bahay ng mga Manhilot katabi ang .45 pistol, isang landline phone at ang cellular phone sa tabi nito.

Ayon pa kay Mendoza, hindi pa sila nagko-conclude na suicide nga ang dahilan pero di rin nila niru-rule out ang anggulong ito, "Puwede nating sabihing suicide pero we will investigate deeper para malaman kung ano ang pangyayari," ayon pa kay Mendoza.

Magsasagawa ng pormal na imbestigasyon ang grupo ni Mendoza as soon as dumating na ang aktor na si Montano mula sa Tagbilaran Bohol kung saan tumatakbo ang aktor bilang Gobernador ng lalawigan.

Showbiznest sends its deepest condolences to the Manhilot Family!

No comments:

Post a Comment