SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, June 18, 2010

Part 2 of "Sharon-Gabby Reunion" Airs This Sunday on Sharon

Kung ang national TV ratings ang pagbabasehan, kumpirmadong huge success at marami na talaga ang nakaka-miss sa Sharon-Gabby loveteam! On the part 1 of "Sharon-Gabby Reunion" last Sunday, humataw ng 28.2% ang ratings ng Kapamilya musical variety show na Sharon compare sa 10.3% ng kalabang show.


Tinutukan ng marami ang first time after so many years na pagkikita nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kasama ang kanilang 'baby' na si KC. Kasabay ng mga naghihiyawang live audience, kinilig ang mga televiewers mula sa mga simpleng tinginan hanggang sa mga makahulugang pag-uusap ng dating mag-asawa.

At dahil dyan, the top-rating musical variety show Sharon is treating all die-hard Sharon-Gabby fanatics with a much more touching part 2 this coming Sunday, June 20.


Sa part 2 ng episode, KC opens her heart to her parents. She shares na malaking bagay para sa kanya ang muling pag-uusap ng Papa at Mama niya. "I prayed na mag-usap silang dalawa. Ang hirap kasi since this is still a show. Parang after nitong ilang oras na �to, hindi na naman kami magkikita which is okay kasi masaya naman kami sa Pangilinans at masaya din naman si Papa sa family niya. Pero siyempre ang laking bagay na rin nito."

KC was proud to tell his Papa Gabby na her Mama Sharon was the reason why she had no ill feelings towards him kahit pa di nya ito nakasama nang 13 years. Sinagot naman ito ni Gabby ng short but simple thank-you message para kay Sharon, "Thank you so much for taking care of my little baby. She grew up to be a very fine lady."

With their "I'll be There" co-star na si Jericho Rosales at ang bestfriend ni Mega na si Zsa-Zsa Padilla as co-host, abangan this Sunday, June 20, 9:10pm, ang exciting na part 2 ng 'Mega family reunion' sa nag-iisang musical variety show "kung saan lagi kang kasama," ang Sharon, right after Pilipinas Got Talent on ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment