SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, August 26, 2010

Claudine Barretto Decides to File Slander Case Against Angelica Panganiban; Johnny Manahan Replies: "Go Claudine, Make our Day!"


Humagulgol si Claudine Barretto sa telepono habang inilalahad ang dahilan ng kanyang balak na pagsasampa ng demanda laban kay Angelica Panganiban dahil sa diumanong pagkakalat ng huli ng mga kuwentong nakasasama kay Claudine at sa kanyang pamilya.

Ayon sa aktres, ipinamamalita raw ni Angelica sa ilang taong malapit kay Claudine na may affair si Claudine sa best friend ni Derek Ramsay na si Martin Castro (photo inset). Si Martin ay naging kaibigan daw ni Raymart Santiago, asawa ni Claudine, simula pa noong nakaraang taon.

"Kinonfirm na ng apat na tao ito sa akin," sabi ni Claudine tungkol sa pagkakalat diumano ni Angelica ng kuwentong ang nakatatandang aktres ay may affair sa kaibigan ni Derek.

Bukod pa rito, ayon kay Claudine, ikinagalit din daw niya ang maanghang na pasaring ni Angelica laban sa kanyang kapatid na si Gretchen sa Twitter. Nakarating din daw kay Claudine na sinabi ni Angelica sa ilang mutual friends na, "Pareho lang daw kaming magkapatid. Kulang na lang sabihin niyang 'kabit.'"

Pinabulaanan ni Claudine na siya ay mayroong relasyon kay Martin Castro. Magkaibigan lang daw sila nito. "In fact, Martin and Raymart are still friends, they still talk," sabi ng aktres.

Sa paniniwala ni Claudine, ito ay paraan ni Angelica, ang girlfriend ni Derek, para sirain ang pagkakaibigan ni Derek at ng matalik nitong kaibigang si Martin. Ayon pa rin kay Claudine, di ito naiiba sa panggugulo ni Angelica sa pagkakaibigan ng aktor at ng mga kasamahang atleta.

Sabi ni Claudine tungkol kay Angelica, "Gusto niyang sirain si Derek at si Martin. Ipinagkakalat niya na addict si Martin."

Sa pagsasalaysay ni Claudine, nagsimula ang lahat nang maimbitahan sila ni Raymart ng mag-asawang Martin at Cris Castro sa tahanan ng huli nitong Hulyo. "They had just renovated their house kasi, they fixed the garden, and Martin's mother cooked. At gusto daw ako makita ng mother ni Martin," paglalahad pa ng aktres. Nagkataon daw na imbitado rin si Derek sa nasabing okasyon at kasama nito si Angelica.

Ayon kay Claudine, "pagdating pa lang" ng nakababatang aktres ay tila masama na ang timpla nito, at di minsang tila "padabog-dabog" kumilos. Nakarating din daw kay Claudine nung gabi ring iyon na ikinukuwento ni Angelica sa ilang mga guests ang diumano'y pagreregalo ni Gretchen ng mga mamahaling gamit kay Derek, ang leading man ng huli sa teleseryeng Magkaribal ng ABS-CBN.

Kinausap daw ni Claudine si Angelica nang gabing iyon. "I asked her why she was saying those things in the party." Ang nasabi lang daw ni Angelica sa kaniya ay isang matabang na "Sorry."

"Inalagaan ko 'yan since she was nine years old," sabi pa ni Claudine sa PEP kahapon. "She was there on my wedding, imbitado siya sa binyag, we invite her to our house, how could she do this to me and my family?"

Ayon kay Claudine, nakababatang kapatid ang turing nito kay Angelica, na nakasama niya noon sa ABS-CBN Star Magic at sa kaniyang huling teleserye sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang.

"Kung may pinagdadaanan siya, sana sabihin niya sa akin, iintindihin ni Ate," dagdag ni Claudine.

Ilang beses din daw nagplano ng pormal na pakikipag-usap ang mga Santiago kina Derek at Angelica ngunit walang natuloy sa mga ito. Hindi naman binanggit ng aktres ang mga pagkakataong humingi silang mag-asawa ng pakikipag-usap sa magkasintahang Derek at Angelica.

Ngunit sinabi ni Claudine, na sa pagitan nilang tatlo ni Raymart at ni Derek, "May usapan kaming kung sino ang nagsinungaling, siya ang unang umako. Pero biglang nagtatago na sila."

Sa isang text message na ipinadala ni Claudine, tinanong daw niya si Angelica: "What's your excuse for doing this to me?"

Ayon pa kay Claudine, wala na raw makapipigil sa kanyang desisyon na idemenda ng "libel o slander" si Angelica. Tinukoy pa nitong maging ang mister niyang si Raymart Santiago o si Mr. M ay hindi makapipigil sa kanya, "Magharap na lang kami sa korte!"

Kahit pa raw humingi ng public apology si Angelica ay hindi na mababago ang desisyon niyang idemanda ito. "It�s too late for an apology. I gave her so many weeks na," sabi pa ni Claudine.

Dagdag pa niya, "I don't think it's fixable."

Alam din ni Claudine ang mga sabi-sabi na ipinagtatanggol lang daw niya ang kapatid na si Gretchen upang makisawsaw sa publicity. Matatandaang nagkaroon ng iringan kamakailan lang sina Angelica at Gretchen matapos magbiro ng huli na padalhan siya ni Derek ng pictures mula sa bakasyon sa Europe�pero iyong mga retrato lang na hindi kasama si Angelica. Natapos ito sa pag-apologize ni Angelica kay Gretchen sa telebisyon, at ang paghingi rin ni Gretchen kay Angelica ng paumanhin sa pagiging "playful" niya na maaaring makasakit ng iba.

"I will always protect my sister," sabi ni Claudine. "I don't know if she knows, I don't care. I'm just wired that way."

Sinabi din niya na lagi niyang ipagtatanggol si Gretchen. "Eto lang ako," dagdag ni Claudine habang umiiyak sa telepono, "linis lang nang linis ng kalat ng kapatid ko."

Ayon kay Claudine, inaayos pa ang mga papeles para sa kanyang paghahabla, at maaring sa Setyembre na ito ihain, matapos ng kanyang mga commitments sa trabaho. Tatlo ang mga abugadong pinag-iisipan ni Claudine na pahawakin ng kaso. Isa na rito ay ang dati na niyang abugado at kaibigang si Raymond Fortun.

Isang maikli ngunit makahulugang mensahe naman ang ipinarating ni Johnny Manahan, o mas kilala sa bansag na Mr. M, kay Claudine. Ang mensahe ay bilang tugon sa banta ni Claudine, sa isang artikulong lumabas sa People's Tonight kahapon, August 24, na magsasampa ang aktres ng kaso laban kay Angelica Panganiban.

Si Mr. Manahan, ang unang head ng talent arm ng ABS-CBN na Star Magic, na siyang humahawak sa career ni Angelica. Dati ring talent ng Star Magic si Claudine, at ang Star Magic ang kinikilala ng lahat na naghubog at nagpatanyag sa aktres. Si Claudine ay matagal na nasa bakuran ng ABS-CBN, bago siya lumipat ng GMA-7.

Ayon kay Mr. M: "Go Ahead. Sue, Claudine. Make our Day! Para Bellum." (Ang "para bellum" ay mula sa Latin adage na si vis pacem, para bellum. Sa Ingles: "If you wish for peace, prepare for war.")

At bilang pagtatanggol kay Angelica, sinabi ni Mr. M na ang 23-taong-gulang aktress na si Angelica ay "feisty, irreverent, sometimes crude," pero hindi raw ito kailanman naging sinungaling.

"For those of us who know Angelica, well, she is feisty, irreverent, sometimes crude, but never a liar. Whoever is behind the web of lies and falsehoods being spun in print, Twitter, and other media must be a very disturbed individual. I only hope this nonsense stops before it destroys the perpetrator."

Sa huli, umaasa si Mr. M na matigil na ang "nonsense" na ito bago pa raw tuluyang masira ang "perpetrator."

Source: Jerome Gomez, PEP


No comments:

Post a Comment