SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, August 27, 2010

Gretchen Barretto Speaks: "Hindi ako ipinagtatanggol ni Claudine dito sa away na ito dahil�wala kaming away ni Angelica."


Hindi itinanggi ni Gretchen Barretto na alam niyang may nagaganap ngayong hidwaan sa pagitan ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto at ang maituturing niyang bagong kaibigan na si Angelica Panganiban.

"Of course, I'm aware because alam mo naman ang show business, napakaliit. Every news sa bawat artista, malalaman at malalaman mo, dahil nagte-tape kami three times a week...and wherever I go, meron isang katulad mo na magkukuwento! [laughs]

"Saka, lalo na yung Twitter, I don't have [an account], hindi ako nagtu-twit, hindi ako marunong. But then, ewan ko ba, every time may lumalabas, talagang nakakarating sa akin. E, di ba, yung akin nga [Angelica's tweet entry about her and Derek Ramsay]...everybody knows!

"Kahit hindi ako marunong mag-twit, may magkukuwento na, 'Oy, eto ang twinit kay dito o sa akin, or sa ibang tao. Siyempre malalaman...I don't want to be plastic and say na hindi ko alam. Siyempre, alam nating lahat 'yan."

Ayon sa balita, nagdesisyon nang magsampa ng demenda si Claudine laban kay Angelica dahil sa pagkakalat ng huli ng mga masasamang balita laban sa kanya. Kabilang dito ang diumano'y pagkakaroon niya ng affair sa isang nagngangalang Martin Castro, isang bagong kaibigan ng asawa ni Claudine na si Raymart Santiago at best friend naman ni Derek Ramsay na boyfriend ni Angelica (read related story HERE).

Sinabi pa ni Claudine na dagdag pa sa ikinagalit niya kay Angelica ay ang diumano'y pagkakalat din ni Angelica ng mga paninira laban sa nakatatanda niyang kapatid na si Gretchen. Bagama't hindi raw sila nag-uusap sa kasalukuyan ni Gretchen ay hindi raw niya maiwasang hindi ito maipagtanggol.

Matatandang nagkaroon din kasi ng maiksing alitan sina Gretchen at Angelica. May kinalaman ito sa diumano'y pagseselos ni Angelica kay Gretchen dahil sa pagiging close nito sa boyfriend ni Angelica na si Derek, ang co-star ni Gretchen sa fashionserye ng ABS-CBN na Magkaribal.

Ayon kay Gretchen, "No, no, no...that's not true! Walang ganyang kuwento na ipinagtatanggol ako... Yung away ni Angelica Panganiban and Claudine, wala akong kinalaman sa away na 'yon at all�walang kinalaman.

"There's no truth to that. Kasi, kami ni Angelica, nung may nangyari sa amin, sandaling-sandali lang 'yon. And nung kinausap kami ng management ng ABS-CBN na tumigil, pareho kaming disente na tumigil.

"Ngayon na nakilala ko na si Angelica at matagal-tagal ko na ring nakilala si Derek, I've been working with him, naging disente si Derek at nangako siyang aayusin niya yung gusot namin ni Angelica.

"Yung nangako siyang aayusin niya, talagang tinupad niya, inayos niya. Hindi naman bigla-bigla na inayos. Pero sabi niya, pagdating nila galing sa bakasyon nila na isang buwan sa South Africa, sabi niya aayusin niya, at natupad naman niya.

"Ako kasi, ayokong maniwala na lang bigla na sinabi ito ni Angelica... Alam mo, hindi na tayo mga bata para maniwala sa mga ganyan. Angelica is old enough and mature also to know what she's doing.

"At sa industriyang ito, wala rin naman akong naririnig na masama or anything negative about Angelica Panganiban. Kaya hindi rin ako nahirapan makipagkaibigan sa kanya agad-agad.
"Nandito na kami ngayon sa punto ng buhay namin at ng career namin na ayaw na namin ng negative. Kasi kung negative na tao si Angelica, or negative ako, hindi uusbong yung mga career namin. Sabi nila, 'pag negative, di ba, hindi maganda. So, kaya kami, iniiwasan namin yung mga negative-negative, away, talk�anything negative."

Bilang reaksyon naman tungkol sa binitiwang salita ni Claudine na: "Eto lang ako, linis lang nang linis ng kalat ng kapatid ko." Nasabi nalang ni Gretchen na, "Si Claudine, may career, may two kids, and a husband to take care of. She should put her focus there, look at her blessings, look at her own life.

"Sana mai-set aside na niya iyong mga galit niya sa mundo, because that is the very reason she and Raymart have things to work on in their lives...

"Claudine is obviously going through a tough time�in all aspects of her life. I pray that I have more patience and a little more love for her. Pilitin na lang nating intindihin.
"Although, it's hurtful. I cannot deny that her words are very hurtful, but as a sister I still choose to understand and I still choose to bear the hurt."


No comments:

Post a Comment