SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, February 21, 2008

ANNE CURTIS is Not Moving to GMA-7, Renews Contract with ABS-CBN

Matagal nang kumakalat ang usap-usapan na hindi diumano maganda ang relasyon ngayon sa pagitan ng Viva Artist Agency (VAA) at ABS-CBN. Dahil daw sa conflict na ito kaya binabalak daw ng VAA na ibalik sa GMA-7 ang mga talent nilang nasa Kapamilya network, gaya nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Mark Bautista, at Anne Curtis.

Ayon pa nga sa source , si Anne daw ang ang napili ng Kapuso network na gumanap bilang Darna sa pagbabalik ng Pinoy superheroine sa telebisyon sa pamamagitan ng Captain Barbell Meets Darna.

Kung saka-sakali, makakatambal pihado ni Anne ang ex-boyfriend niya na si Richard Gutierrez na siyang gaganap ulit bilang Captain Barbell. Ang Captain Barbell Meets Darna raw ang next project ni Richard pagkatapos ng Kamandag.

Nang kausapin ng PEP ang isang opisyal ng Viva Artist Agency upang kumpirmahin kung totoo ngang in-offer-an ng GMA-7 si Anne na gumanap na Darna, ito ang naging sagot sa amin trhu text message: "Wala naman formal offer sa amin, sa diyaryo ko lang nabasa."

So, some things are really not meant to happen. Hanggang ngayon kasi ay nananatiling haka-haka ang sinasabing pagbabalik ng Viva artists sa GMA-7.

Sa katunayan, napag-alaman na pumirma na pala ulit ng kontrata si Anne sa ABS-CBN noong nakaraang linggo. At noong Linggo nga, February 17, ay binigyan pa ng special tribute si Anne sa ASAP �08.

Kasama raw sa bagong kontratang pinirmahan ni Anne sa ABS-CBN ang isang fantaserye na pagbibidahan niya, kapalit ng hindi na raw matutuloy na The Wedding. Tatapusin din daw ng young actress ang pelikula niya with Aga Muhlach as her leading man, ang Waiting For Love.

A Viva artist ever since, Anne started her TV career with GMA-7 in 1995 appearing on the following shows: TGIS, Anna Karenina, Ikaw Na Sana, Mornings@GMA, May Bukas Pa, Beh! Bote Nga, Kakabakaba, Ang Iibigin Ay Ikaw, SOP, Love To Love, and Nuts Entertainment.

Kasabay ng iba pang Viva artists, lumipat si Anne sa ABS-CBN noong 2004 pagkatapos ng hindi pagkakaunawaan ng GMA-7 at Viva Films. Ilan sa mga naging unang shows ni Anne sa Kapamilya network ay ang musical variety show na ASAP at ang soap opera na Hiram. It is safe to say na sa mga programang ito ng ABS-CBN nahasa nang husto ang hosting and acting skills ni Anne.

Then in 2005, Anne got her biggest break when she reprised the role of Vilma Santos in the TV remake of Kampanerang Kuba.

Napapanood ngayon regularly si Anne sa ASAP '08 at sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.

Source: pepdotph

No comments:

Post a Comment