SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, February 11, 2008

KC CONCEPCION, Umiyak Sa Press

Manang-mana nga si KC Concepcion sa nanay niyang si Sharon Cuneta. Aba, tulad din ni Sharon, madali ring magpatulo ng luha si KC.

Si Sharon kasi, kapag natutuwa ng sobra, asahan mo na agad na maiiyak siya. At lalo pa kung malungkot ang kuwento, talagang hindi mo maawat ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata.

Sa presscon ng Maalaala Mo Kaya (ni Charo Santos-Concio) para kay KC kahapon sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN 2, sa si­mula pa lang ng tsikahan sa harap ng entertainment press ay dumaloy na agad ang mga luha sa mga mata ni KC.

�I�m very-very happy to be here for another reason. I�m so excited about this experience, about this offering, this project.

�It took me 22-years to get here, to be speaking to you about this TV debut, acting project.
�Naiiyak nga po ako� Parang hindi ko alam, naging dream come true pala siya. Ito ho ang kinalakihan ko.

�Ano ba `yan, naiiyak ako talaga,� bungad na sabi ni KC, na bagama�t pangiti-ngiti, panay naman ang tulo ng luha sa kanyang mga mata.

�Hindi ko na-experience `yung fulfillment na `to, na parang came to reality, until now. So, thank you sa ABS, kay Tita Charo, kay Direk Jerry (Sineneng) for making it happened.
�Sobrang it means a lot� Of course, may inspiration for this is really my mom (Sharon). Dinadala niya ako sa set nu�ng bata pa ako, and doon ako gumagawa ng homework ko, at doon kami nagba-bonding together.
�Hindi ko alam na malaki pala ang influence noon sa akin, in terms of the craft, and `yung napapanood ko siya, doing `yung commitment niya sa trabaho niya, and �yung love niya sa trabaho niya, at sa mga katrabaho niya mismo.

�So it means so much. It�s a big part of me, na hindi ko nari-realize until nagawa namin.

�Haaay. Grabe, ano ba `yan? Naiiyak talaga ako. So, thank you and sobrang excited ako to give this to you. It�s really a gift, because it�s a choice na gawin `to, and pasukin `to,� dugtong pa ni KC.

Siyempre, ipinapanood sa entertainment press ang trai­ler ng Maalaala Mo Kaya, na ipalalabas sa Biyernes, na kung saan ay gumanap nga si KC bilang isang mayamang babae, na naghirap.

Tama nga si KC, mas­yadong mahabang panahon ang pinaghintay ng mga supporters niya bago siya tuluyang makita na umaarte. Noon pa nga ay inaawitan na ang nanay niya para paartehin si KC, pero panay �no� ang sagot.

Bakit nga ba napapa­yag si KC na umarte na sa harap ng kamera?

�Well, it was really the transition for me. It was the adjustment period for me, because I started in theatre.

�It was an adjustment, from stage to cameras, to the screen. So, it�s something I needed to do. So, if ever man po na gumawa ako ng film in the future, nakakahiya naman po sa magagaling na artista diyan na pumasok ako na hindi ako prepared.

�So, I wanted my first acting experience to be with Maalaala, of course, because it�s also very reputable drama anthology like you said. At masaya ako na nabigyan ako ng chance na maging part nito,� sagot ni KC.

Ikinuwento nga ni KC na para sa unang pag-arte niya sa harap ng kamera, kinailangan niyang mag-acting workshop, para mas maging epektibo siya.May mga panahon nga raw na lumalabas siya ng Channel 2 (ginagawa ang acting workshop), na para siyang luka-luka, na haggard ang itsura niya.

Eh, ikaw ba naman ang umiyak nang umiyak sa workshop, at sabunutan ang sarili mo, hindi ka ba mangangarag? Na sa totoo lang ay mukhang nakatulong ng malaki, dahil sa trailer pa lang, marami na ang pumuri sa performance ni KC, na mahusay ngang umiyak, at natural na natural ang acting.

Pero kuwento ni KC, sa unang eksena nila, nangatog nang husto ang katawan niya dahil sa nerbiyos, at sa tantiya niya ay umabot sa 3 ang takes nila.

Kuwento pa rin ni KC, na sa huling eksena na ginawa niya, na kung saan ay nakita na niyang patay si Ricky Davao (gumaganap na tatay niya sa MMK), bumigay talaga siya nang husto.

�Sa morgue pa lang, nu`ng makita ko pa lang si Tito Ricky Davao na naka-prosthetics na siya, sobrang trauma na po ako, na hanggang sa pag-uwi, nangangatog pa po ako.

�Binigay ko po talaga lahat nang mabibi­gay ko to that scene. �Yun ang isa sa pinakamahirap na scene,� patuloy na kuwento pa rin ni KC.

Pero siyempre, kung may isang tao na puwedeng magsalita sa kahusayan o sa kapalpakan ni KC, `yun ay ang director niyang si Jerry Sineneng.

Kuwento ni Direk Jerry, sa simula ay parang kinabahan din siya, dahil malaking tao nga si KC, na anak nina Gabby Concepcion at Sharon, na baka may masama itong ugali, o maarte at mahirap pakisamahan.

�Pero swear, totoo po, napakabait niya. It�s an honor for me to work with KC. Wala akong reklamo sa batang ito. Wala siyang ere. Wala siyang� �I want a room. I�m so tired.� Wala siyang ganu`n, I swear. Wala siyang demands.

�Maraming artistang ganu`n, `di ba?

�Ang bilis-bilis pa niyang mag-memorize ng lines, at mabilis siyang pumik-ap. Ang sarap-sarap katrabaho ni KC. I�m so happy to be a part of her acting career history,� say na lang ni Direk Jerry.

Source: Dondon Sermino, Abante

No comments:

Post a Comment