SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, April 5, 2010

After Her Break-up with PBA Cager Dondon Hontiveros, Valerie Concepcion is Now Romantically Linked to Tom Rodriguez of PBB

Iniintriga ngayon si Wowowee host-actress Valerie Concepcion na break na ito sa boyfriend niyang PBA cager na si Dondon Hontiveros. Dahil dito, she is now being linked to PBB Double Up ex-housemate at singing heartthrob na si Tom Rodriguez.

But according to Valerie, "
Hindi naman kami nagkahiwalay ni Dondon dahil hindi naman talaga kami. Lie low kami ngayon sa paglabas-labas dahil busy ako sa trabaho. May Wowowee ako, may campaign projects at ngayon nga may daily drama series pa ako."

Sa mga intriga namang pinagseselosan ni Dondon ang leading man niyang si Tom, "
Hindi namin �yun napag-uusapan. In fact, Dondon is more of happy for me with this new project."



In a way, another chance at acting para kay Val ang bago niyang TV project. " For the longest time, I've been waiting for a drama show like this. Ever since lumipat kasi ako ng ABS-CBN, naging busy na ako with hosting Wowowee. Kaya happy ako ngayon na balik-drama ako. It�s something na matagal ko nang hinihintay."

And speaking of second chances, "love story of second chances" ang tema ng pinakabagong offering ng Precious Heart Romances (PHR) na magsisimula na today, April 5.


Tampok sa PHR presents "Love Me Again"� si Valerie kasama ang mga PBB Double Up ex-housemates na sina Tom Rodriguez, Cathy Remperas at Johan Santos. Ikalawang paglabas na ito ni Valerie sa PHR matapos ang �PHR presents Bud Brothers.� First daily drama series naman ito ng mga dating housemates ni Kuya.


Hango sa pocketbook na sinulat ni Heart Yngrid, ang Love Me Again ay kwento ng magkapatid na sina Precy (Valerie) at Donnie (Johan) na masusubok ang samahan dahil sa kani-kanilang pag-ibig.


Sa kwento, magiging heartbroken si Donnie dahil makikipag-break sa kanya ang girlfriend niyang si Pauline (Cathy) na in-love naman kay Chad (Tom) na dating manliligaw ni Precy (Valerie). Bilang protective na ate, igaganti ni Precy ang kapatid at pilit na aagawin kay Pauline ang boyfriend nito.


Magtagumpay kaya si Precy sa planong agawin ang boyfriend ng babaeng nanakit sa kapatid? Magka-second chance pa kaya ang love story nila ni Chad? Ano pa kaya ang kayang gawin ni Precy alang-alang sa kaligayahan ni Donnie?


Kasama rin sina Archie Alemania at iba pang PBB Double Up ex-housemates na sina JM Lagumbay, Kenny Santos at Toffi Santos, ang Love Me Again ay sa ilalim ng direksyon nina Ruel S. Bayani na direktor ng "Tayong Dalawa" at 2nd unit director Jojo Saguin na 2nd unit director naman ng "May Bukas Pa."


"Are you willing to give love a second chance?" Abangan ang sagot nina Valerie, Tom, Johan at Cathy sa pinakasinusubaybayang afternoon mini-series na PHR presents Love Me Again, pagkatapos ng Pilipinas Got More Talent sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment