SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, April 30, 2010

PBB Says Goodbye to Eslove Briones, Welcomes Jovic Susim

Kung isang housemate ang muling lumabas ng Bahay ni Kuya, isang bagong housemate naman ang pumasok sa kanyang bahay noong Huwebes (Abril 29) at ito ay si Jovic Susim - ang Diplomatic Son ng Albay!

Mula sa isang political family itong si Jovic sa kanyang bayan at tulad ng kanyang ama ay pangarap niya rin ang makapaglingkod sa bayan. Pero dahil siya ay bata pa, ine-enjoy ng tall-dark-and-handsome basketball varsity player na ito ang kanyang kabataan sa sari-saring sports tulad ng basketball at golf. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Consular and Diplomatic affairs sa isang prestihiyosong paaralan.


Noong Miyerkules (Abril 28) ay pinalabas naman ng ng bahay ni Kuya ang ikalawang forced evictee na si Eslove, ang "Sigang Istokwa ng Tawi-Tawi," ilang oras matapos ang kanyang birthday celebration sa loob ng PBB House.

Naging madamdamin ang pamamaalam ni Eslove sa mga Teen Housemates, humingi din ng paumanhin si Tricia na hindi niya ginusto ang nangyari kay Eslove. Sa isang biruan kasi ay tila napikon itong si Eslove at tinutukan ng kutsilyo ang dalaga. Biro man o hindi, ang ginawa ni Eslove ay isang paglabag sa house rules ni Kuya.


Paano makakaapekto ang pagpasok ni Jovic sa susunod na nominasyon? Yan ang dapat abangan sa mga susunod na araw. Samantala, tuloy pa rin ang voting para sa 2nd Eviction night. Sino kina Tricia, Becca at Yen ang susunod na lalabas sa bahay ni Kuya sa darating na Sabado (Mayo 1)?

Makikilala rin natin ang mga bagong bedspacers sa apartment! Sino-sino ang mga ito at ano ang gagawin nila sa loob ng Bahay ni Kuya? Abangan sa "Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010" pagkatapos ng "MMK" kasama sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, at Bianca Gonzalez sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment