SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, April 30, 2010

Kris Aquino Invades ASAP XV This Sunday, May 2

May bagong handog ang Multi-Media Queen na si Kris Aquino ngayong linggo sa ASAP XV. Ilulunsad ang kanyang panibagong album mula sa Star Records.


Soulful acoustic performance naman ang offering nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano kasama sina Yeng Constantino at Sam Milby na bibigyan ng kakaibang male version ang hit song ng Pussycat Dolls na "Hush Hush".

Ang hinahangaang ASAP Sessionistas na sina Juris Fernandez, Sitti Navarro, Nina, Princess, Duncan at Aiza Seguerra ay live na aawitin ang kanilang mga current hits.


Sa Full Circle, isang matinding dance number ang hatid ng Empress of Drama kasama ang mga astig sa dancefloor na sina Rayver Cruz at Gerald Anderson.

Magpapakilig din ang Asian Romantic Balladeer na si Christian Bautista kasama si Bea Alonzo sa pag-awit ng number one song sa Indonesia na �Please Be Careful with my Heart.� Ngayon, patuloy na gumagawa ng pangalan si Christian sa Asian music at entertainment scene. Sikat na sikat na ang aktor sa Southeast Asian countries partikular na sa Singapore, Malaysia, Indonesia at Thailand.

Humanda na sa isa na namang siksik na concert party ngayong Linggo sa ASAP XV, pagkatapos ng Matanglawin sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment