SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, April 24, 2010

Angel Locsin Reunites With Luis Manzano on ASAP XV

Ngayong linggo, tatlo sa hinahangaang kapamilya stars ang sabay-sabay na magsi-celebrate ng kanilang kaarawan sa ASAP XV.

Isang taon na naman ang nakalipas para sa isa sa pinaka-hinahangaang aktres ngayon sa industriya ng showbiz, si Angel Locsin. Siguradong magliliyab ang entablado sa kanyang bonggang-bonggang dance number.


Magdiriwang din rin ng kaarawan ang ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano kasama ang Kanto Boys na sina Vhong Navarro, Billy Crawford, and John Lloyd Cruz.

Sa ika-labinwalong kaarawan ng International singing sensation na si Charice Pempengco, haharanahin siya ng 18 sikat at gwapong Kapamilya male stars na tiyak kukumpleto sa kanyang espesyal na araw. Sa unang pagkakataon, aawitin ni Charice sa ASAP ang carrier single ng kanyang international album.

Hahataw naman ang bagong barkada ng 'GIMIK 2010' na sina Jessy Mendiola, Lance Christopher, Franco Daza, Janeena Chan, Arie Ryes, Hanna Flores, Marlan Flores, Vangie Martelle, Mara Montes, Jaco Benin, Albie Casino, Daniel John Padilla, Kenji Shirakawa, and Kazuo Nawa sa ASAP stage.

May bagong pasabog din ang Star Records sa dancefloor ng ASAP para groovy launch ng Supahdance 2 album.

Garantisadong hindi mapapantayan ang mga sparkling performances at unparalled production numbers sa ASAP XV ngayong Linggo, April 25, pagkatapos ng Matanglawin sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment