SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, April 10, 2010

Romeo "Potz" Jaloslos III - PBB Teen Clash 2010 Housemate #9




Mula sa isang prominenteng pamilya, isinilang na may taglay na isang kontrobersyal na pangalan.

Lumaking maginhawang buhay dahil sa malaking angkan ng mga pulitikong kanyang kinabibilangan kung kaya mula pagkabata ay malaki na ring ang responsibilidad na sa kanyang balikat ay nakaatang. Iniingatan na ang pangalan nila ay 'di madungisan.

Dati'y sa Maynila naninirahan kasama ang kanyang Mama ngunit' kinakailangang lumipat sa Dipolog para maging malapit naman at makasama ang Ama. Dito nya naranasan ang mabantayan ng mga bodyguard para sa kaligtasan...kahit saan sya ay minamanmanan.

Iba man ang mundo na ginagalawan siya naman ay maituturing na isang normal na bata tulad din ng karamihan. Nangangarap na makilala hinde lamang dahil sa pangalan na taglay nya, nais din nyang ipakita na sya ay natatangi at iba.


Kilalanin si Potz, ang "Political Son ng Dipolog", sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 nightly after Habang May Buhay only on ABS-CBN Primetime Bida.

No comments:

Post a Comment