SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, April 24, 2010

American Police Officer Ryan Navarro is Pokwang's Newest Inspiration

Feeling ni comedienne Pokwang, ang haba-haba ng buhok niya! Kasi may isang foreigner na nagkagusto sa kanya nang mag-show siya sa U.S. kamakailan, kasama ang ilang co-talents niya sa ABS-CBN Star Magic. Siya ang police officer na si Ryan Navarro.

"Sa show namin sa Dallas, dun kami nagkakilala nang bonggang-bongga after ng show. Nanood siya ng show nung time na naka-duty siya. Natuwa siya siguro sa pinag-aarte ko sa stage, although hindi naman niya naiintindihan. And then after that, may inutusan siya, yung isa sa mga producers namin, nakisuyo siya para manghingi ng autograph sa akin. Tapos binigay niya yung number niya," kuwento ni Pokwang.

After daw nilang magkakilala ay nakipag-date na si Pokwang kay Ryan kinabukasan.

"May free day kami kasi uuwi na kami the next day. Lumabas kami, may dalawang kasama ako from Star Magic. So yun, nag-bonding kami," aniya.

Sa ngayon, tanging sa text na lamang daw nagko-communicate ang dalawa. Pero may plano naman daw dumalaw sa kanya si Ryan dito sa 'Pinas, pero depende yun sa schedule ng komedyante, "Oo. Hinihintay niya lang yung schedule ko. Ayaw niyang sumabay sa trabaho ko. Gusto niya kung kelan ako maluwag, dun siya pupunta rito," sabi ni Pokwang.

Pero mukhang hinde daw agree ang teenager daughter ni Pokwang dito, "Ay, dumi-dedma siya nang bonggang-bongga. Siyempre, hindi siya natutuwa. Alam mo naman, teenager na, di ba, kaya umaarte nang bonggang-bongga? Sabi nya 'Sino na naman 'yan?'"

"Pero matatawa naman siya nang mapanood niya yung balita sa SNN. Sabi niya, 'Ayan ka na naman?' Kasi naalala niya yung Canadian dati, di ba? 'Tapos sabi niya, 'Hmp, tapos wala na naman 'yan,'" pagtatapos ni Pokwang.

No comments:

Post a Comment