SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Tuesday, March 25, 2008

HERO ANGELES Joins the Cast of "Dyesebel"

Tiyak na matutuwa ang fans ni Hero Angeles dahil kasama na si Hero sa cast ng bagong fantaserye ng GMA-7 na Dyesebel na pagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ngayong araw, March 25, nagsimula nang mag-acting workshop si Hero bilang paghahanda sa taping. Ang hindi palang sure ay kung ano ang role ng young actor sa kanyang first ever regular TV show sa GMA-7.


Si German Moreno ang tumatayong manager ni Hero at siyang tumulong sa kanya na mapasama sa Dyesebel.

Naaalala namin ang aming pakikipagkuwentuhan kay Kuya Germs, kung saan sinabi niya na gusto niyang sa primetime ang unang maging regular show ng bagong alaga.

Naniniwala si Kuya Germs na mas magkakaroon ng impact ang labas ni Hero sa GMA-7 kung sa primetime siya mapapanood na siya ngang mangyayari.

Kung alin-aling shows na ng Kapuso network nabalitang mapapasama si Hero na lagi namang hindi natutuloy. Wala nang urungan sa Dyesebel dahil si Kuya Germs na mismo ang nagsabi nito.

Nagsimulang maging visible si Hero sa mga programa ng GMA-7�gaya ng Maynila, Tok Tok Tok, Mel & Joey, Whammy, SiS, Nuts Entertainment, SOP. Gigsters, at iba pa�pagkatapos niyang lisanin noong 2005 ang ABS-CBN kung saan siya nagsimula bilang kauna-unahang winner ng talent search na Star Circle Quest.

Naging isa sa pinakamainit na tambalan ang love team nila noon ng Koreana na si Sandara Park. Ngunit dahil sa personal na away ng dalawa ay nabuwag din ang kanilang love team at naghiwalay sila ng landas.

Ngayon ay nagsisimula nang makilala si Sandara sa bansa nitong South Korea samantalang si Hero naman ay susubukang buhayin ang kanyang naudlot na showbiz career.

Ang ka-batch ni Hero sa Star Circle Quest na si Joseph Bitangcol ay napapanood na rin ngayon sa GMA-7. Kasama si Joseph, na ex-boyfriend ni Sandara, sa kasisimula pa lang na Babangon Ako't Dudurugin Kita.

Ang huling regular TV show ni Hero ay ang SCQ Reload: Kilig Ako ng ABS-CBN noong 2005.

No comments:

Post a Comment