SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Sunday, March 30, 2008

GERALD ANDERSON Chosen to Play JULIAN in the Pinoy Version of "My Girl"

Binigyan ng solo presscon ng ABS-CBN ang young actor na si Gerald Anderson para sa official announcement ng pagkakapili sa kanya bilang leading man ni Kim Chiu na gaganap sa kauna-unahanang Koreanovela franchise na gagawan ng Pinoy version ng Kapamilya network, ang My Girl. This is another first na handog ng ABS-CBN sa kasaysayan ng telebisyon sa buong Asya.

Iba-iba ang pangalan na lumutang kung sino ang magiging kapareha ni Kim sa My Girl pagkatapos i-announce sa presscon ng "Dream Big Kapamilya"�to launch the new seasons of Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at Pinoy Dream Academy�na si Kim ang gaganap bilang Jasmine na lead sa naturang Koreanovela.

Pero nilinaw ng executive at business unit head ng ABS-CBN na si Mr. Deo Endrinal sa presscon na bago pa man i-announce na si Kim na ang napili nila para sa My Girl, napagdesisyunan na rin nila that time na si Gerald ang makakapareha niya at gaganap bilang 21-year-old na si Julian. Hindi lang daw nila agad in-announce na kasama rin si Gerald sa My Girl dahil presscon nga ni Kim 'yon para sa Dream Big Kapamilya shows.

"Happy po ako siyempre and excited din ako. It's my first time kasi. Oh, I have to go through some workshop para mag-mature ang acting ko and internally na rin," sabi ni Gerald sa interview.

Sinimulan na rin daw ni Gerald na panoorin ang Korean version ng My Girl and so far, nasa seventh episode na siya.

"It's very good. I really like Julian's character. He's very strong and affectionate also," sambit ng young actor.

Sinorpresa naman si Gerald ni Kim nang umapir din ang young actress sa solo presscon ng ka-love team. Natanong tuloy si Gerald kung ano ang ireregalo niya sa nalalapit na 18th birthday ni Kim sa April 19.

"Surprise," ngiti ni Gerald. "Basta malalaman din ninyo 'yon."

Anytime now ay magsisimula na sina Gerald at Kim sa taping ng My Girl, na nakatakdang ipalabas sa May. Pero sa April, mauunang ipalabas ang isa pang show ng pares na pagbibidahan ni Claudine Barretto, ang Maligno.

"Hindi sila mag-overlap," paniniguro ni Gerald.

No comments:

Post a Comment