SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, March 27, 2008

Concert ni TONI GONZAGA May Repeat

Happy na sa lovelife, happy pa sa career. �Yan ang drama ng buhay ni Toni Gonzaga ngayon. Last Hollyweek ay magkasama sila ng boyfriend niyang si Paul Soriano sa kanilang bahay.

Samantalang ang career naman niya, hataw in fairness.

Masasabing successful ang 2008 ni Toni. Simula pa lang ng taon ay napakarami ng magagandang kaganapan sa kanya. Minahal ng bayan ang karakter niya bilang si Onay sa Maging Sino Ka Man, isang blockbuster ang My Big Love nila ni Sam Milby, may platinum album siya, kabi-kabilang product endorse­ments, mga hosting stints, at higit sa lahat sold out ang concert niya sa Aliw Theater noong Feb. 9. Kaya naman magkakaroon ito ng repeat na pro­duced ng Manio Events, MJM Production, and Nitram Entertainment, ang Catch Me Again, Toni Gonzaga sa Aliw Theater, CCP Complex, sa May 2, 8 p.m.

Muli ay patutunayan ni Toni sa concert na ito ang kanyang versatility bilang performer, singer, at dancer. Makakasama niya ang kanyang ka-loveteam na si Sam at mga kaibigang sina Vice Ganda, Gerald Anderson at Allan K. Si GB Sampedro ang magdi-direk ng show at si Marc Lopez naman ang musical director.

Ang mga tickets (P1,500, P1,000, P800, at P400) ay mabibili sa lahat ng SM Ticketnet outlets o tumawag sa 911-5555 at sa Nitram Entertainment sa 719-5726.

No comments:

Post a Comment