SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, March 5, 2008

ANGEL LOCSIN, Isnabera?

May nakarating sa amin na kuwentong ipinasa-pasa na mula rin siguro sa mga taga-ABS CBN 2.

Hindi namin alam kung totoo ito dahil hindi namin nakakausap ang mga taong involved sa kuwentong ito.

Minsan daw sa ASAP kung saan guest din si Claudine Barretto, nasa dressing room daw ito huli kasama ang iba pang Kapamilya talents na sina Toni Gonzaga at hindi ko lang tiyak kung si Bea Alonzo o Heart Evangelista.

Anyway, tatlo raw sila sa dressing room na masayang nagtsikahan nang biglang may pumasok na isang PA na may mga dalang gamit.

Itinanong daw ng mga aktres kung kanino iyun. Ang sagot ng PA, kay Angel Locsin daw.

Maya-maya, dumating na si Angel at deretsong umupo para magpaayos. Tuluy-tuloy lang daw ang pagme-make-up sa kanya, at hindi raw binati sina Claudine na kasama niya sa iisang kuwarto.

Kahit isa raw sa kanila ay wala raw binati si Angel.

Ilang sandali, lumabas daw si Claudine at hindi rin nagtagal, bumalik uli sa dressing room.

Wala pa raw 10 minutes, may pumasok na PA at lumapit kay Angel na sinabihang lilipat daw sila ng dressing room. Inilipat daw si Angel sa dressing room kasama na si Pokwang.

Ang paglabas kaya ni Claudine ng dressing room ay may kinalaman sa pagpapalipat kay Angel?

Source: abutilamsik, abantetonitedotcom

No comments:

Post a Comment