SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, March 29, 2008

KATRINA HALILI has a New Coffee Table Book

Aminado ang sexy young actress na si Katrina Halili na isang malaking sugal ang kanyang pagpu-produce ng sarili niyang coffeetable book. Dito, ipapakita niya raw ang lahat ng kanyang makakakaya bilang isang sexy model. Pangarap daw kasi ni Katrina ang ma-feature sa ganitong klaseng babasahin.

�Kasi nung bata pa ako, mahilig akong tumingin ng magazines. Tapos ngayon nagshu-shoot ako na ako ng FHM, �tapos nakahiligan ko na rin siya. Naisip ko, bakit hindi ko gawin,� kuwento ni Katrina sa GMA News.

Boracay Island ang napiling location ni Katrina sa kanyang unang layout. Sa isang cove malapit sa Station 1 ng Bora naganap ang pictorial. Hindi maikakaila na nakikipagsabayan ang kaseksihan ni Katrina sa ganda ng lokasyon.

Isang sea goddess at isang socialite shipwreck survivor ang drama ni Katrina sa kanyang unang mga layout.

No comments:

Post a Comment