SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, March 15, 2008

CLAUDINE BARRETTO Denies Throwing ANGEL LOCSIN Out of "ASAP" Dressing Room

Nagsalita na si Claudine kaugnay ng paglabas muli ng intriga sa kanila ni Angel Locsin. Takang-taka si Claudine kung bakit may isyu na pinaalis niya ng dressing room sa ASAP si Angel.

"Hindi totoo yun. There was never a time na nagkasama kami sa ASAP at nag-share ng dressing room. Kung may event man na nagkasama kami, that was nung Christmas special pa ng ABS-CBN sa Meralco Theater. But that was a long time na. Bakit ngayon lang [lumabas]?

"And during that time, may iba talaga akong kasama sa dressing room, sina Bea [Alonzo]... Kristine [Hermosa]... yun. Pero bakit ASAP?

"�Tsaka wala sa personality ko naman ang magpaalis ng tao,"
malungkot na pahayag ni Claudine.

Kapag nagge-guest naman daw siya sa ASAP, nire-request niya talaga na solo siya sa dressing room dahil marami siyang laging kasama. At minsan, dinadala pa niya ang kanyang anak kapag may guesting siya sa ASAP. Unless kapag marami talagang artista at kulang na ang dressing room, okey lang sa kanya ang may ka-share.

Na-meet na raw niya si Angel and she's a sweet and nice person naman daw, ayon kay Claudine. She's even looking forward na makatrabaho rin si Angel sa ABS-CBN gayundin si Kristine Hermosa tulad noon ni Bea Alonzo na nakasama niya sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin.

Related article: ANGEL LOCSIN, Isnabera?

No comments:

Post a Comment