SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, March 17, 2008

JAKE CUENCA Honored to be Leading Man of KC Concepcion in Her First TV Show

Masuwerte talaga ngayon ang young actor na si Jake Cuenca. Sa dinami-rami ng aktor na nasa pangangalaga ng ABS-CBN, siya ang napili ng management na maging leading man ni KC Concepcion sa first episode ng bagong show niya sa Kapamilya network, ang 'I Am KC'. Ito ang papalit sa timeslot ng Volta ni Ai-Ai delas Alas na nag-last airing na noong Saturday, March 15.

Sa interview kay Jake last March 16, sa taping ng ASAP '08, sinabi niya na sobrang natutuwa siya na nakapareha si KC.

"Sa first episode niya, very honored ako na ako ang ka-partner niya. So, gagalingan ko talaga," sambit ni Jake.

Kung tutuusin, puwedeng sina John Lloyd o Piolo Pascual ang ipareha kay KC dahil mas sikat ang dalawa kay Jake. Kaya sabi tuloy ng iba, kinabog daw ni Jake sina Piolo at John Lloyd. Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Ganun, ganun ba yon?" natatawang sabi ng young actor. "Ako naman, basta alam ng lahat na masayang-masaya ako sa trabaho ko. Masayang-masaya ako tuwing may dumarating na mga oportunidad na ipakita ko yung craft ko, yung passion ko sa pag-arte. Kaya ako, basta may bagong trabaho na pumapasok, masayang-masaya na ako doon. Lalo na honored ako na si KC pa ang kapareha ko."

Isang taping day lang daw si Jake sa first episode ng show ni KC na pinamagatang "Binibini."

Si Wenn Deramas ang direktor ng "Binibini" at first time din ni Jake na makatrabaho siya.

"Gagalingan ko na lang para good impression ako kay Direk Wenn at kay KC. Sana mapadali ko ang trabaho namin bukas," asam niya.

No comments:

Post a Comment