SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Saturday, April 12, 2008

ANJO YLLANA and JACKIE MANZANO are Filing for Divorce

Tuluyan na ngang nagdesisyon ang mag-asawang Anjo at Jackie Manzano na mag-file ng divorce ayon sa long time manager ng actor comedian na si Douglas Quijano.

"It's been an on-off relationship for 13 years. There is no third party involved on both sides. Hindi lang magkasundo talaga," sabi raw ni Anjo sa manager niyang si Douglas. Matagal nang talent ni Douglas si Anjo na nagsimula ang showbiz career nung 1984 matapos i-give up ang pangarap na maging professional basketball player.

"I think it's the age difference. Thirty-nine years old si Anjo, if I remember right, may 10 year difference sila," dagdag pa ni Douglas.

From Jackie's imdb.com entry, she was born March 31, 1981, at kung thirty-nine si Anjo, he was born, April 24, 1968, making their age difference 13 years. Nagkasama sina Anjo at Jackie sa pelikulang Milyonaryong Mini noong 1996 at nagpakasal din sa Las Vegas that same year. Sa Las Vegas din daw magpa-file ng divorce sina Anjo at Jackie.

"It's a friendly separation," sabi pa raw ni Anjo kay Douglas.
"They will share the children na dalawang nakatatandang babae at dalawang nakababatang lalaki. Apat ang anak nila. Wala na raw problema sa paghahati sa mga bata. Kay Jackie raw ang mga bata �pag weekdays, at kay Anjo naman, �pag weekends. �Pag mag-a-abroad naman ang isa sa parents, dun ang mga bata sa maiiwan.

"It was waiting to happen for 13 years,"
ayon pa kay Douglas about the separation. "But parang because of the children kaya �di sila makapag-separate."

Ipinanganak ni Jackie sa San Francisco last December ang pang-apat nilang anak na isang baby boy.

"ROCKY" RELATIONSHIP.
Sa simula pa lang daw, ay �di na talaga maayos ang relasyon nina Anjo at Jackie. Rebelasyon nga ni Anjo kay Douglas, "rocky" raw talaga ang relationship nila ni Jackie and there was a time daw na naghiwalay sila ni Jackie sa loob ng isang buong taon.

Noong 2003, nabalitang sinaktan umano ng Para�aque counselor pa noon na si Anjo si Jackie sa isang club sa Makati City, habang gumigimik ito kasama ang ilang mga kaibigan. Ganti raw ito ni Jackie sa tsismis na idine-date ni Anjo ang dalawang balikbayan co-host niya noon sa Eat Bulaga!. Pinasinungalingan naman ito ni Anjo at hindi na rin naman nagsalita pa tungkol sa tsismis na ito si Jackie.

Last year naman, na-involve ang pangalan ni Jackie sa expos� ni Edward Ronquillo, ex-driver ng Batangas vice governor na si Marc Leviste. Sinabi ni Ronquillo na nagkaroon ng relasyon sina Leviste at Jackie. Itinanggi naman nina Jackie at Anjo ang expos� ni Ronquillo at itinanggi rin nilang maghihiwalay na sila. Katatalo lang ni Anjo bilang vice mayor ng Para�aque last year, habang nag-leave naman si Jackie sa trabahong flight attendant para sa airline company na Cebu Pacific dahil sa pagbubuntis nito.

Sabi ni Douglas, malaki ang bilib ni Anjo sa talino't galing ni Jackie. "I think she topped the exams she took for flight attendant," ayon pa uli kay Douglas. "Magaling si Jackie at alam ni Anjo yun. That's why he wants her to pursue her career."


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

No comments:

Post a Comment