SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, April 18, 2008

Cristy Fermin, OUT? Kris Aquino, IN? sa The Buzz

It's confirmed! Magbabalik na nga ang Queen of Talk na si Kris Aquino sa The Buzz ng ABS-CBN ngayong Linggo, April 20.

Matatandaan na pansamantalang iniwan ni Kris ang Sunday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN in favor of her pregnancy and later, pagsilang sa bunsong anak nila ni James Yap, si Baby James�na mag-iiisang taon na bukas, April 19.

Ilang linggo pagkatapos mawala ni Kris sa The Buzz ay pormal nang tinanggap si Ruffa Gutierrez bilang bagong co-host. Last month ay nakaisang taon na rin si Ruffa sa The Buzz.

Two Sundays ago, April 6, ay naging bisita ng The Buzz ang kontrobersiyal na ina ni Ruffa na si Annabelle Rama, pagkatapos ibaba ng Supreme Court ang desisyon sa libel case na isinampa niya laban sa co-host ng programa na si Cristy Fermin.

Two days before the show ay na-inform na ng The Buzz executives si Cristy na magge-guest nang live si Annabelle at isa sa mga tatalakayin ay ang naging desisyon ng Supreme Court. Sinabihan din daw ang co-host ng programa na may naka-allot na kasunod na gap sa show para ibigay naman ang kanyang panig.

Pero sa nasabing interview ni Boy Abunda kay Annabelle, marami siyang mabibigat na salita ang binitawan tungkol kay Cristy. Pero bago matapos ang programa noong Linggo na �yon, nabigyan ng pagkakataon na maihayag ni Cristy ang kanyang panig sa mga sinabi ni Anabelle.

Sumunod na Linggo, April 13, hindi sumipot si Cristy sa The Buzz. Umugong ang usap-usapan na ni hindi man lang naprotektahan si Cristy sa mismong programa niya. Kasunod nito ang tsismis na nagsumite na raw ng resignation letter ang TV host-columnist sa The Buzz.

Dahil dito, mabilis ding kumalat ang balitang babalik na si Kris sa dati niyang programa tuwing Linggo ng hapon sa ABS-CBN.

Kahapon, April 17, umalis na ng bansa si Cristy patungong Canada. Prior commitment na ng TV-radio host ang concert na lalabasan niya sa Canada, kasama sina Vina Morales, Chokoleit, at Vhong Navarro.

Sa kolum ni Cristy sa Balita ngayong araw, April 17, ay naglabas siya ng kanyang damdamin tungkol sa mga nangyari noong mga nagdaang araw. Klaro naman sa The Buzz executives ang mensahe sa nilalaman ng kolum Cristy.

Ayon sa supervising producer ng The Buzz na si Roxy Liquigan, "We regret na nangyari ang ganung insidente [sa show]. Pero nais lang naming sabihin na ipinaalam muna namin kay Tita Cristy ang pagge-guest ni Tita Annabelle sa show. Friday pa lang hanggang Sunday, alam na ni Tita Cristy na may Annabelle Rama sa show. In fact, tinanong pa namin si Tita Cristy at umoo siya.

"Wala kaming intensiyon na pagsabungin silang dalawa sa show," diin ni Roxy, "Pero alam naman natin na napaka-unpredictable ng show. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari dahil live ang The Buzz.

"And from the start, ang layunin ng show ay maging fair sa lahat. Ibigay ang lahat ng panig ng isyu as much as possible. Yun lagi ang ipinaglalaban ng show, na maging fair sa lahat. Lagi �yang ipinaglalaban ng programa. At dahil diyan, isa yun sa major factors kung kaya marami at patuloy pang pinapanood ang The Buzz, hindi lang nationwide, e, hanggang sa abroad."

Pinabulaanan naman ni Roxy ang balita na nag-submit na ng kanyang resignation letter sa show si Cristy.

"Totoo na nagpadala siya ng sulat sa amin," sabi ni Roxy. "Pero ang sulat ay naglalaman ng pagpapaalam lang niya na hindi siya makakarating sa The Buzz last Sunday. Hindi pa raw niya kayang humarap sa kamera dahil sa insidenteng nangyari. At naiintindihan namin ang punto ni Tita Cristy doon. But again, hindi resignation letter para sa show ang ipinadala niya sa amin."

Sa ngayon, wala pang napag-uusapan ang The Buzz at si Kris kung mananatili na siya ulit sa show.

"Isa rin sa mga dahilan kaya pumayag si Kris na mag-host ulit ng show ay dahil nami-miss din niya kami [staff ng The Buzz]," ani Roxy. "At alam na rin nina Ruffa at Tito Boy na makakasama nila si Kris this Sunday.

"Okay naman sa kanila na makasama si Kris sa show. Nakaka-excite nga na panooring magkasamang nagho-host sina Ruffa at Kris na parehong madaldal din naman at very candid kahit nasa harap ng kamera," pagtatapos ng supervising producer ng The Buzz.

No comments:

Post a Comment