Pang-apat na pelikula na ni Judy Ann ang Ploning na nabigyan ng "A" ng CEB. Nauna nang nakakuha ng "A" ang mga pelikula niyang Kasal, Kasali, Kasalo (KKK); Ouija; at Sakal, Sakali, Saklolo (SSS).
"Masaya at feeling blessed si Juday dahil simula sa KKK, Ouija, SSK up to Ploning, Rated A siya. Lahat din ng mga naunang films ay kumita at cited siya. Wagi ang babae!" reaction ng isang malapit kay Judy Ann.
Siguradong nawala ang lahat ang kaba at pagod ni Judy Ann sa magandang balitang ito. Box-office returns na lang ang kanyang hihintayin at mga kasamang nag-produce ng Ploning, na magbubukas na tomorrow (April 30) Hopefully, maganda ang laban nito sa takilya.
Dahil graded "A," makakakuha ng 100 percent amusement tax exemption ang Ploning.
Last Sunday, April 26, kahit pagod mula sa promo sa SOP, contract signing sa Regal Entertainment, at guesting/promo for Pantene sa The Buzz, dumiretso pa si Judy Ann sa SM Bacoor para mag-promote ng Ploning.
Suwerte rin si Direk Dante dahil first movie pa lang niya ay Rated "A" agad ang nakuha. Pressure lang ito sa kanya dahil kailangang kasing-ganda o mas maganda pa ang susunod na ididirehe niyang pelikula, na isang comedy comedy naman at si Judy Ann pa rin ang bida.
No comments:
Post a Comment