SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, April 14, 2008

If GMA-7 Has "Survivor," ABS-CBN Has "Fear Factor"

Maraming Kapuso viewers ang nagre-request kung sino ang gusto nilang mag-host ng Survivor Philippines. May gustong si Drew Arellano ang mag-host nito, merong may type si Chris Tiu, at mas marami ang pumipili kay Paolo Bediones.

But as of today, schedule pa lang ng series of auditions sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang naka-announce sa website ng biggest reality show na nasa Pinas na. Wala pang clue kung kanino ibibigay at kung sino ang pipiliin ng GMA News and Public Affairs bilang host nito.

Samantala, kung ang GMA-7 ang nakakuha ng Survivor franchise para sa Survivor Philippines, ang ABS-CBN naman daw ang nakakuha ng franchise ng Fear Factor. Wala pa nga lang official announcement tungkol dito at balak sigurong gulatin ng Dos ang mga Pinoy, lalo na ang viewers ng Fear Factor.

In fact, may mga isinabmit na raw na pangalan at may mga talent manager nang nagla-lobby sa Dos para ang talent nila ang kuning host ng Fear Factor. Maganda sana, kung magkakasabay ang airing ng Survivor Philippines at Fear Factor, kaso mukhang mauuna ang Survivor Philippines, dahil naghahanap na sila ng magiging contestants. Pero, puwedeng-puwede pang humabol ang Channel 2 sa kanilang Fear Factor, dahil kung titingnan ang audition schedules ng Channel 7 for Survivor Philippines, buong May ito at posibleng sa July pa ito ipalalabas.

Isa pang magiging exciting sa dalawang local reality shows ay kung ang magkaibigang Paolo Bediones at Ryan Agoncillo ang magho-host. Si Paolo for Survivor Philippines at si Ryan for Fear Factor.

Related link: Survivor Philippines on GMA-7

No comments:

Post a Comment