SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Tuesday, April 22, 2008

HEART EVANGELISTA to Sign-Up with the Kapuso Network

Nakatakdang pumirma ngayong hapon, April 23, ang young actress na si Heart Evangelista sa GMA-7. Si Heart ang isa sa dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez sa susunod na proyekto ng young actor sa Kapuso network, ang Asero; ang isa pa ay si Ehra Madrigal.

Matagal nang usap-usapan na may makakasama si Richard sa Asero na taga-ABS-CBN, ngunit hindi pa ito mapangalanan hangga't hindi pa napaplantsa ang lahat. Ngayong nagkasundo na ang GMA-7 at ang kampo ni Heart, tuloy-tuloy na ang paggawa ng project ng young actress sa Kapuso network.

Matatandaan na umalis na sa poder ng Genesis si Heart last week, bagama't wala naman talaga silang pinirmahang kontrata ng boyfriend niyang si Jericho Rosales pagkatapos nilang tumiwalag sa Star Magic ng ABS-CBN. Ang ina ni Heart na si Mrs. Cecilia "Baby" Payawal-Ongpauco ang siyang tumatayong manager ngayon ng young actress. Ang ina rin ni Heart ang balitang nakipag-usap sa GMA-7 para sa Asero.

Mamayang alas-tres ng hapon ang presscon at announcement ng pagiging Kapuso ni Heart. Siguradong masasagot na ang tanong kung tuloy-tuloy na ang pagiging Kapuso niya o one-shot deal lamang ito.

Maaari na rin sigurong sagutin ni Heart ang katotohanan sa balitang break na sila ni Jericho. Bagama't itinanggi na ito ng dating manager ni Heart na si Angeli Pangilinan-Valenciano, may nakapagsabi sa amin na nasa cool-off period sina Heart at Jericho ngayon.


No comments:

Post a Comment