Ilang araw nang laman ng mga babasahin at usap-usapan ang pagbaba ng desisyon ng Supreme Court sa libel case na isinampa ng mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez laban sa TV/ radio host at kolumnista na si Cristy Fermin. Ito ay kaugnay ng isinulat noon sa Gossip tabloid ni Cristy na kaya raw umuwi ng Pilipinas ang pamilya Gutierrez ay dahil may tinatakbuhan silang estafa case sa Amerika.
After 13 years, ibinababa na ang hatol. Mula sa pagkakakulong ay pinagbabayad na lamang si Cristy ng halagang isang milyong piso.
Sa unang pagkakataon, isiniwalat ni Annabelle ang kanyang saloobin sa pagkakapanalo sa kaso sa mismong program na kaparte si Cristy bilang isa sa mga host, ang The Buzz, last Sunday, April 6. Si Boy Abunda ang nag-interview kay Annabelle.
"Siyempre, haping-happy ako, Boy, kasi meron pa palang hustisya sa atin. Umiiral pa rin pala ang hustisya sa atin. At least, napatunayan ko sa lahat ng nakabasa doon sa kanyang kolum na hindi totoo ang mga sinasabi niya. Kaya naman ako nagagalit that time... Ipinaglalaban namin ni Eddie ang case na �to kasi nga involved na nga ang pamilya ko. Involved si Eddie, si Ruffa, �tapos mga kambal ko [Richard and Raymond] dati, mga three years old lang sila. Parang naawa ako sa pamilya ko talaga. Parang hindi tama yung ginagawa sa amin na talagang below the belt," lahad ni Annabelle.
Dagdag ni Annabelle, okay lang daw sa kanya ang constructive criticisms. Pero yung below the belt at imbento, ibang istorya na para sa kanya.
"Sobrang-sobrang happy ako!" ulit niya. "Sobrang-sobra talaga ang pasasalamat ko. Nagsindi ako ng kandila. Sa lahat ng simbahan, nagpadala ako ng donation �tsaka yung mga message. Basta ang dami kong ginawa for this week kasi talagang sobra-sobra. �Tsaka nakapag-shoot na ako ng bago kong commercial kaya sana suwertehin ako all the way. Magsu-shooting ako ng Monster Mom [her movie with Ruffa] ko next week kaya talagang ano pa, di ba?"
Sabi ni Boy kay Annabelle, ganun daw talaga kapag umuulan, may kasama itong bagyo dahil may dahilan.
Sabi ni Annabelle, "Marami nga ang nagti-text sa akin na bakit hind kayo mag-file ng motion, motion sa Supreme Court na ipaglalaban mo. Ang batas nung araw, may kulong na three years. Ay, sabi ko naman, e, siguro nga bakit ako... Para sa akin, Boy, buwenas na ako ngayon, e. Suwerte na ako, e, bakit pa ako hihirit na ipakulong?
"E, binabati naman din niya [Cristy] ako maski kunyari plastikan. E, di okey lang din sa akin, di ba? At least, binabati niya ako, Boy. Kaya sabi ko naman, okay lang yun. Okay lang, wala akong problema run. Ayaw ko na rin mag-file.
"Kaya Cristy, bayaran mo na ang isang milyon sa amin, �Day. Kailangan ko lang ng pera, �Day. Maraming mga bouncing cheques sa akin kaya kailangang-kailangan ko ng pera," dire-diretsong sabi ni Annabelle.
Pagkatapos nito ay humirit pa si Annabelle ng message kay Boy para kay Cristy.
"Ang message ko kay Cristy Fermin, Cristy, sana matuto ka na. Madala ka na. Sana lahat kasi... Actually, Boy, ang daming mga artista, marami siyang tinitirang mga artista na nagti-text sa akin na tuwang-tuwa sila sa nangyari. Kasi sila, kasi hindi sila puwedeng lumaban kasi nga mahaba ang proseso ng ano, di ba?
"Sana Cristy, matuto ka na. Huwag ka nang... Kung sumulat at least dahan-dahan lang, huwag yung pabigla-bigla. �Tsaka, you know, huwag mo namang siraan ang isang tao na below the belt. Puro pang-imbento. Kasi kawawa naman kami. Siya, may radio siya, may diyaryo. Kawawa yung mga artista na hindi puwedeng lumaban, di ba, Boy? Yun lang ang advice ko kay Cristy, dahan-dahan ka sa pagsusulat mo.
"Ngayon, pinapatawad na kita maski hindi ka pa nagso-sorry sa akin. Pero sa diyaryo kaninang umaga, parang nagso-sorry na rin siya sa pagsusulat niya kaya okay na rin sa akin," pahayag ni Annabelle
CRISTY REACTS.

Humabol sa last gap ng The Buzz ang reaksiyon at tugon si Cristy bilang sagot sa mga sinabi ni Annabelle.
Kasama ni Cristy sa stage sa kanilang pamamaalam sa show last Sunday ang iba pang hosts ng The Buzz na sina Boy, Ruffa, Phoemela Baranda, at Jobert Sucaldito nang kunan siya ng maikling pahayag ng mga kasamahan niya sa programa.
"Alam ninyo, lahat na kapag ka may dumarating na artista dito o sinumang personalidad, ang turing ko sa The Buzz ay isang tahanan. Ako ang dinatnan, may mga bisitang pumapasok at sa kulturang Pilipino, yung mga dinadatnan, yung mga pumapasok na bisita ay nirerespeto natin.
"Lahat ng sinabi ni Tita Annabelle kanina ay nirerespeto ko. Sabi ko nga sa �yo, Boy, nandiyan pa rin ang kaso. May karapatan pa rin ako na ipagtanggol ang aking sarili, nadiyan pa rin, hindi pa rin natutuldukan ang dokumento. Pero isang bagay lang po mga kaibigan, lagi akong naniniwala mula sa isang negatibong bagay, nakakakuha po tayo ng positibo.
"Si Tita Annabelle po kapag hinahalikan ko, hindi niya inaalok ang kanyang pisngi, pero hindi niya ako iniiwasan. Nung pumunta si Tito Eddie dito nung birthday celebration ni Ruffa, tinanong niya ako, �Crtisty, kumusta ka na?' kasabay ang isang mahigpit na yakap na parang wala nang hangin sa pagitan namin.
"Sa akin po, noon pa man, tapos na ito. Sa loob ng labintatlong taon, parang malaking sword, isang malaking punyal po ito na anumang oras ay puwedeng bumagsak sa ulo ko. Araw-araw sa ginawa ng Diyos, ang parusa po ay kulong.
"Nung Huwebes may mga tumawag akong kaibigan at nag-text. Ang una kong tanong, �Meron bang kulong?' Wala raw. Mula rito, inisip ko na lamang ang aking mga anak. Syempre, di ba?
"At sabi ko nga, anuman ang nagawa kaya merong nagalit, may natapakan. At hindi po ikabababa ng aking pagkatao kung magsabi ako ng paumanhin sa mga artistang hindi nagkakagusto sa aking mga isinusulat. Pero ako po ay isang manunulat na tapat din po sa aking propesyon. Paninindigan ko po ang aking mga isinusulat dahil yun po ang aking prinsipyo at meron po akong karapatan bilang malayang mamahayag," mahaba niyang pahayag.
Kasunod nito, sinabi naman ni Ruffa kay Cristy na "time heals all wounds."
"Oo, at Ruffa, alam mo na mahal na mahal kita," sagot naman ni Cristy.
Naniniwala si Ruffa na lumambot na rin ang puso ng mommy niya kay Cristy. Nakita kasi ni Ruffa na nagbiruan pa ang mommy niya at si Cristy after ng live interview ni Annabelle with Boy pagbaba nito sa stage ng The Buzz.
"Sabi ko, �Tita Anabelle, wala po akong isang milyong piso.' Sabi niya, �Ay, bruha ka, �Day. Magbayad ka ngayon din.'
"Tita Annabelle, Tito Eddie, sa pagpapalaking ginawa ninyo sa mga anak ninyo, sapat na pong sagot yun sa mga katanungan ko. Maraming salamat," pagtatapos ni Cristy.

No comments:
Post a Comment