SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, April 28, 2008

JUDY ANN SANTOS and CLAUDINE BARRETTO Face to Face for the First Time on "The Buzz"

Nagharap na sa unang pagkakataon ang dalawang reyna ng teleserye sa ABS-CBN na sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto sa The Buzz kahapon, April 27. Sabay na umupo sina Juday at Claudine kasama sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez para sa promotion ng Pantene na pare-pareho nilang ini-endorse.

Maaga pa lang ay parehong nasa magkatabing dressing room na sina Juday at Claudine. Katabi ng dressing room ni Claudine ang guest co-host ng The Buzz at kaibigan niyang si Kris Aquino. Nasa kabilang side naman ng bihisan ni Claudine ang dressing room ni Juday.

Kasama ni Claudine sa kanyang dressing room ang mister na si Raymart Santiago at ang dalawa nilang anak na sina Santino at Sabina.

Pagpasok pa lang ng studio ng The Buzz ay nakakabinging sigawan na ng mga fans nina Juday at Claudine ang nangibabaw. Pero wala namang naganap na bastusan o tarayan ang dalawang kampo ng mga fans.

Kilala si Claudine na fighter sa showbiz. Kahit laban ng kapatid niya, hindi umuurong si Claudine. Wala raw laban na inatrasan si Claudine.

"We were raised that way na kailangan talaga kapag mahal mo ang isang tao poprotektahan mo at ibibigay mo lahat sa taong yun," pahayag ni Claudine nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa pagiging palaban niya.

Kasunod nito ay si Judy Ann naman ang nagsalita kung paano siya makipaglaban.

"Tahimik po," sambit niya. "Kasi �pag tahimik ako, mas nakakapag-isip ako. Mas masasabi ko yung tamang salita na dapat kong sabihin. Nag-iisip muna ako dahil ayokong may pagsisihan ako bandang huli."

Tinanong ni Boy si Judy Ann kung ano ang naging epekto ng boyfriend niyang si Ryan Agoncillo pagdating sa laban niya sa buhay.

"Nagtatanong ako sa kanya kung tama pa ba ang posisyon ko. Tama pa ba yung pinaglalaban ko? Tama pa ba ang pinaninindigan ko? Nakikinig naman ako," sagot niya.

Pagkatapos nito ay diretsahan nang tinanong ni Boy sina Juday at Claudine sa nababalitang isnaban nila sa shoot at pictorial ng kanilang Pantene commercial. Bukod dito ay sina Judy Ann at Claudine kais ang palaging pinagtatapat ng kanilang mga tagahanga kaya hindi maiwasan na maintriga sila.

Ayon kay Juday, "Kahit naman nung bata pa kami Claudine, hindi naman talaga kami nagkaroon ng away. Yung mga tao lang sa paligid namin ang nag-aaway lang siguro. Pero kami mismo, hindi man kami nagkaroon ng chance na maging close kasi hindi naman kami nagkatrabaho, wala talaga.

"There was never a time na nag-away kami," patuloy niya. "Nagkikita kami sa mga parties, ganyan. Pero wala talaga. Kahit sa shoot namin, na-meet ko si Sabina, na-meet ko si Santino... Masaya ako for Claudine kasi ang saya-saya ng pamilya niya. Natutuwa ako para sa kanya."

Sabi naman ni Claudine, "Wala talaga. Wala kaming problema ni Juday. Ako rin I'm very happy for her. I think siguro nandito na kami sa level ng buhay naming na masaya na kami. Ako may pamilya na, siya malapit na. And may mga anak na ako, may anak na rin siya.

"And siguro, we're more mature now. Kung dati hindi namin pinatulan, I don't see any reason kung bakit kailangan na ngayon pa patulan namin. I'm really happy na nagkatrabaho kami dito
[Pantene], kasi this is the first time talaga na magkasama kami. 'Eto na rin siguro ang pagkakataon na mas lalo kaming magkakakilala pa para magkaroon kami ng mas malalim na friendship na hindi nabuo noon dahil sa intriga," pahayag niya.

No comments:

Post a Comment