SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, April 24, 2008

BILLY CRAWFORD Reportedly Hosting ABS-CBN's "Pinoy Dream Academy Season 2"

Billy Crawford might be another possible surprise transferee from GMA-7 to ABS-CBN.

Lumabas sa pahayagan ngayong araw, April 23, na nagulat ang mga nakapanood sa trade presentation na ginawa ng ABS-CBN para sa kanilang advertisers. Kabilang kasi sa mga programa nila sa second quarter ng taon ang second season of Pinoy Dream Academy (PDA), na ihu-host diumano ng Fil-Am international artist na si Billy Crawford.

Ang lumalabas kasing balita noon ay si Ryan Agoncillo ang maghu-host ng PDA. Pero sa trade launch ay si Billy ang ipinakita together with Toni Gonzaga and Nikki Gil.

Ayon sa isang executive ng GMA-7 nakatakda ding gumawa ng isang dance reality show si Billy sa kapuso network. "We are just waiting sa pagbabalik niya [Billy] dito for his second show on GMA-7 [Dance Match]. Nagpaalam lang siya na may gagawin siya sa States, 'tapos eto na. May show na pala siya sa kabila [ABS-CBN]," sabi pa ng Kapuso executive.

Although wala namang existing contract si Billy for his second reality show in GMA-7 after Move, na na-announce na noon pang November. Wala pa raw, pero napag-usapan na ito and, in principle, Billy has accepted the show.

Balita ring masamang masama ang loob ni German "Kuya Germs" Moreno, Billy's mentor since That's Entertainment days.

"Ni ha, ni ho hindi man lang nagpasabi sa kanya �tapos sa diyaryo na lang din niya ito mababalitaan. Alam mo naman, ang laki ng naitulong ni Kuya Germs kay Billy �tapos hindi man lang siya masabihan nito."

But more than Kuya Germs, ultimong ang manager ni Billy na si Raul Laurente ay nagulat sa balita dahil hindi niya rin daw ito alam.

At kung ano ang naging reaction ng GMA Network about Billy's alleged transfer? "So he transferred. So he's doing that show. Okay," ang sagot lang nila.

No comments:

Post a Comment