SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, May 19, 2010

Jake Cuenca is Elias Paniki in "Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Sr."

Sasabak na si Jake Cuenca sa kanyang kauna-unahang title role sa isang action/adventure genre. Bibigyang buhay niya ang karakter ni Elias Paniki, ang ika-apat na kwentong handog ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Sr.


Matatandaang nagmarka ang kanyang pagganap sa pinakamalaganap na telerserye ng ABS-CBN noong 2009, ang "Tayong Dalawa". Sinundan pa ito ng "Rubi" kung saan inaabangan ang kanyang mga maiinit na eksena kasama ang bida kontrabida na si Angelica Panganiban. Sa kanyang pagpasok sa Agimat, dumaan sa matinding training ng Muay Thai at iba pang klase ng martial arts.

"I am very aware sa contributions ni Ramon Revilla Sr. sa local movies na up until now pinahahalagahan pa rin ng masa. Just being a part of this project makes proud and happy. Kaya kahit gaano pa kahirap ang training and preparation, sulit kasi bibihira ang nabibigyan ng ganitong opportunity," pahayag pa ni Jake.

Ang pakikipagsapalaran ni Elias Paniki ay nagsimula nang ipasa sa kanya ng isang sundalo ang kakaibang agimat na bertud ng paniki. Gagamitin ito ni Elias upang makipagtunggali sa mga mangkukulam.

Sa ilalim ng direksyon ni Tots Mariscal Sanchez, makakasama ni Jake ang mga batikang artista gaya nina Cherrie Pie Picache, Jojit Lorenzo, Xian Lim, Wowowee co-host Kelly Misa at PBB Double Up housemates na sina Sam Pinto at Hermes Bautista.

Kapit na panibagong makapigil hiningang adventure na hatid ni Elias Paniki sa Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Sr. na magsisimula na sa May 29, 2010.

No comments:

Post a Comment