SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Sunday, May 9, 2010

Ten Issues That Shaped 2010 Elections in "Diyes sa Mayo 10"

Magaganap na sa Lunes ang pinakahihintay na botohan pero bago magdesisyon ang sambayanan, muli munang balikan ang sampu sa pinakamainit at pinakapinagusapang balita�t kaganapan bago ang halalan.

Samahan sina Julius Babao at Karen Davila sa election season ender special handog ng ABS-CBN News and Current Affairs na "Diyes sa Mayo 10" ngayong Linggo (may 9) sa "Sunday�s Best."


Magbalik tanaw at sariwain na ang mga kaganapang humulma sa mukha ng 2010 eleksyon tulad ng nakaririmarim na Maguindanao Massacre; pagdating ng Smartmatic at poll automation system sa bansa; pagkamatay ni dating presidente Corazon Aquino; pagkawala ng accreditation ng NAMFREL, plano sa pulitika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, mga naglabasang black propaganda laban sa mga kandidato, at iba pa.

Bukod pa riyan, ihahain din ng dalawang batikang broadcast journalists ang top ten reports na ipinadala ng mga boto patrollers sa kampanyang "Boto Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula," top ten na dapat pakataandaan ng mga botante sa araw ng halalan; at top ten election jingles ng mga kandidato na talaga namang tumatak sa ating isipan at di maiwasang awitin sa pangaraw-araw.

Huwag palalampasin ang "Diyes sa Mayo 10" ngayong Sabado (May 9) sa "Sunday�s Best" ng ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment