SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, May 28, 2010

Melai Cantiveros Gives Maja Salvador a Hard Time in 'PHR Presents: Impostor'

Sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Precious Hearts Romances (PHR) presents Impostor against its competition, no doubt na patok sa mga afternoon viewers ang pinakabagong romantic drama-comedy series na pinagbibidahan ng Prince of Romance Sam Milby at Drama Sweetheart Maja Salvador kasama ang 'Prinsipe at Prinsesa ng Masa' na sina Jason Francisco at Melai Cantiveros.

Bukod sa first time niyang makakasama sa isang TV project si Sam at ang 'Melason,' first time din para kay Maja na gumanap ng dalawang karakter sa iisang kwento. Sa PHR presents Impostor, she portrays two different roles as a province lass named Devin and a sexy model, Mariz.

In an interview with Maja, she shares her excitement dahil sa challenge na mai-deliver ang dalawang magkaibang roles. And since her character, Mariz, will be transformed into the character of Devin, kinailangang araling mabuti ni Maja ang halos lahat tungkol kay Melai � from her expressions, behavior down to her reactions to different situations.

"Humingi po ako sa staff ng PBB ng DVD. Pinag-aralan ko po kung paano kumilos si Melai, paano siya kapag kinikilig at paano siya kapag nasasaktan. Paulit-ulit ko siyang pinapanood hanggang sa nagagaya ko na �yung mga 'over!' niya at 'char!'" sabi ni Maja.

According pa sa Drama Sweetheart, "Ang dami kasing kilos ni Melai kaya challenging. Kailangan ko pong malaman kahit 'yung mga maliliit na details tulad ng likot ng mata at tuwing kailan niya ginagamit ang over tsaka 'yung char. Sa sobrang challenging ng character, kapag umaarte po ako as Melai, pagkatapos ng take, nasasabi kong, 'nakakapagod si Melai! Ang daming kilos!"

Maja also added, "Dapat kapag pinapanood na ako bilang Devin, masabi niyo na, �ay, siya nga si Melai!" Dapat ang makita niyo si Melai hindi si Maja."


See what's next after ang aksidente ni Devin (Melai) na sumira sa kanyang mukha, at sa takot na balikan din 'sya ng mga goons na who killed her parents who made her decide to accept a seemingly irresistible offer --to be an impostor of her idol Mariz (Maja).


Sa muling pagtatagpo nina Anthony (Sam) at Devin, na nagpalit-anyo na bilang si Mariz at ni Anthony, maging madali kaya para kay Anthony na pakitunguhan ang 'bagong' Mariz? Mapaniwala kaya ng impostor si Anthony at ang anak nito sa mga pagbabagong gagawin niya? Mapanindigan kaya ni Devin ang pagpapanggap bilang Mariz?


Directed by Jerome Chavez Pobocan, PHR presents Impostor also stars Precious Lara Quigaman, Jon Avila, Bobby Andrews, Long Mejia, Yayo Aguila, Raquel Villavicencio and Izzy Canillo.


Don�t miss ABS-CBN�s PHR presents Impostor, weekdays, 3:45pm, right after Rosalka on ABS-CBN Hapontastic.


No comments:

Post a Comment