SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, May 12, 2010

PBB Teenternational Housemates Get a Sure Spot in the Big Night

Nanalo ang mga banyagang housemate ni Kuya sa music video task sa "Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010" para makamtam ang unang slot sa Big Night.

Pinataob ng mga teenternational housemate ang mga Pinoy housemate matapos makatanggap ng 75.99 porsiyento ng boto mula sa mga manonood kumpara sa 24.01 porsiyento ng para sa mga Pilipinong housemate.

Maghaharap muli ang dalawang grupo para sa dalawa pang tasks kung saan ang mapapanalunan muli ay automatic spots sa Big Night.


Samantala, walong housemate ang nominadong mapalayas sa Bahay ni Kuya. Sina Carson, Ann, at April ang ibinoto ng mga taga-Apartment at sina Yen, Angelo, Jovic, Yong, at Tricia naman ang ibinoto ng mga taga-Villa.

Abangan naman ang pagpasok ng mga ina ni Devon at Angelo ngayong linggo para sa DH o Dakilang Hamon ni Kuya, kung saan mamamasukan silang kasambahay ng mga taga-Apartment para manalo ng college scholarship plan para sa kani-kaniyang anak.

Hanggang saan ang kayang ibigay ng mga nanay nina Angelo at Devon? At makakabawi ba ang mga Pinoy sa weekly task? Samahan si Mariel Rodriguez sa "PBB Teen Clash of 2010 Uber," si Toni Gonzaga sa "PBB Teen Clash of 2010" pagkatapos ng "Habang May Buhay," at si Bianca Gonzalez sa mga "PBB Updates."

No comments:

Post a Comment