SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, May 10, 2010

"Naruto Shippuden 3" Premieres on May 11

Samahan ang paboritong anime ng bayan na si Naruto sa kanyang panibagong adventures simula ngayong Martes (May 11) sa paguumpisa ng "Naruto Shippuden 3" sa Hapontastic ng ABS-CBN.


Tuloy ang paghahanap ni Naruto sa kanyang kaibigang si Sasuke na nawawala pa rin simula ng lumisan ito para ipaghiganti ang kanyang clan.

Lingid sa kaalaman niya at ng iba pa niyang kasamahan na napatay na pala nito ang kanilang mortal na kaaway na si Orochimaru na siyang dahilan kung bakit mas lumakas pa ang kapangyarihan ng rogue ninja ngayon kaysa dati.


Buong pag-aakala ni Naruto ay babalik na si Sasuke sa kanila ngayong wala na si Orochimaru ngunit hindi pa pala tapos ang laban ng binatang nilamon ng paghihiganti at bumuo pa ng sarili niyang team para hanapin ang kapatid na si Itachi na siyang pumaslang sa kanilang pamilya.


Ang misyon ngayon ni Naruto ay hanapin si Itachi para matunton ang posibleng kinaroroonan ng kaibigang si Sasuke.


Mahanap kaya siya agad ni Naruto? Ano ang maaring pinsalang maidulot ng poot at galit na nananalaytay kay Sasuke laban sa kanyang kapatid?


Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng "Naruto Shippuden 3" sa Martes (May 11), sa Hapontastic ng ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment