SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, May 31, 2010

This Tuesday on "The Correspondents": RP, May Cellphone Pero Walang Kubeta

Kung cellphone o iba pang makabagong technology ang pagbabasehan, hindi nagpapahuli ang Pilipinas sa ibang bansa. Rich man o poor, may bitbit na cellphone. Samantalang ang iba pa ay may laptop, iPod, Playstation Portable at iba pa.

Ngunit pagdating daw sa usaping "palikuran" o "toilet", tila hindi makasabay ang mga Pilipino. Alamin kung paano sinasalamin ng kawalan ng kubeta ang tunay na kahirapan sa bansa kasama si Karen Davila ngayong Martes (Hunyo 1) sa "The Correspondents."


According to study, 76.8% lamang ng household sa buong Pilipinas ang mayroong kubeta. Sa Phase 8 in Caloocan naman, 25 toilets lamang ang ginagamit ng 252 pamilya. At sa isang lugar naman ng Pampanga, "strike anywhere"
na lang ang mga residente kung makaramdam ng call of nature.

Silipin ang umaalingasaw na marka ng kahirapan mula sa mga bahay na walang kubeta sa report ni Karen Davila this Tuesday, June 1, sa "The Correspondents," right after "Bandila" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment