SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, July 29, 2010

"The BUZZ Magazine" August 2010 Issue Investigates and Reveals Key Details on Kris Aquino-James Yap Separation


Siksik sa intriga at kontrobersya ang August issue ng The Buzz Magasin! Una na rito ang isyu ng hiwalayan ng 'Queen of All Media' Kris Aquino at PBA star James Yap.

Tampok sa The Buzz Magasin ang mga detalyeng nakalap mula sa iba�t ibang sources kaugnay ng mga posibleng tunay na dahilan ng pagsuko ni Kris sa limang taong relasyon nila ni James.

Sa "Imbuzztigasyon" section ng The Buzz Magasin, may blow-by-blow accounts din ng interview ni Kris sa farewell episode niya sa The Buzz. Dito, nabanggit niya na matagal na silang may gap ni James. "I think the whole Philippines is fully aware na when my mom was still alive and ngayon my siblings have tried to bridge whatever gaps we have. Tina-try nila na tulungan kaming ayusin �yung mga problema namin."

Nilinaw din ni Kris na ang desisyon niyang tapusin ang relasyon kay James ay hindi biglaan. "Whatever decision I have to come to, it�s not a spur of the moment decision. Hindi ito nangyari na nagising lang ako isang araw at sinabi ko ayoko na. Matagal naming sinubukan. James and I both really tried to really make it work� On my part, with finality I can say, ako, sumuko na."

Bahagi rin ng The Buzz Magasin Imbuzztigasyon ang mga artikulo kaugnay sa legal na aspeto ng hiwalayang Kris at James, reaskyon ni Philip Salvador at ang depensa ni Boy Abunda sa pagkakadawit niya sa isyu.

Bukod kina Kris at James, mababasa rin sa August issue ng The Buzz Magasin ang mainit na intriga sa diumanong itinatagong babae ni Gabby Concepcion; namumuong relasyon ninang Robin Padilla at Mariel Rodriguez; palitan ng pahayag nina John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez; pagbabalik-eskwela ng mga nanalong showbiz politicians; at ang pagpasok ni international singing sensation Charice Pempengco sa hit series na Glee.

Lahat 'yan at marami pang ibang shobiz news at happenings sa August issue ng nangungunang entertainment news source sa bansa, The Buzz Magasin, available sa iba�t ibang bookstores at magazine stands nationwide sa halagang P70 lang!


No comments:

Post a Comment