SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Friday, July 30, 2010

Momay's Life on Earth, Numbered!


Bilang na ang mga nalalabing sandali ni Momay (Xyriel Manabat) sa daigig. At ngayong, tanging ang "Bulaklak ng Buhay" na lamang ang makapagsasabi ng itatagal niya sa mundo, magagawa pa nga kaya niyang baguhin ang buhay ni Justin (Ejay Falcon) bago pa maubos ang kanyang oras?

Sa pagbabalik ni Lorna Tolenito sa nasabing primetime serye, marami ang naluha sa eksena nila ni Xyriel kung saan nayakap ni Momay ang kanyang matagal nang hinahanap na ina habang lumuluha ng todo todo. Sa kabilang dako, mapupuno ng mga makipigil-hiningang eksena at kagulat-gulat na pangyayari ang mga susunod na tagpo ng 'Momay' habang patuloy niyang isinasakatuparan ang kanyang misyon bago malanta ang Bulaklak ng Buhay. Sa nalalabing buhay ni Momay sa daigdig, hindi pa rin siya natitinag sa paghahanap ng makakasama ng kanyang kapatid sa mundo bago siya tuluyang maglaho.

Samantala, patuloy pa rin si Momay sa paghahanap sa kanyang inang si Shirley (Lorna Tolentino). Maiisahan kaya muli Hillary (Glydel Mercado) ang magkapatid na si Momay at Justin? Mahahanap pa nga kaya niya ang kanyang ina bago niya tuluyang lisanin ang daigdig?

Tunghayan kung paano niya mapaglalabanan ang patuloy na pagkaubos ng kanyang nalalabing oras at ang kanyang pakikipagsapalaran sa mga pagsubok na dumadating sa knanyang buhay. Abangan ang iba pang tagpo ng Momay pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.


No comments:

Post a Comment