SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Wednesday, July 21, 2010

Who Will Be The First "Showtime" Grand Champion? 2nd Season Starts on July 26


Sunod-sunod ang malalaking pasabog sa "Showtime" habang papalapit ang kauna-unahang grand finals nito ngayong Sabado, July 24, sa Ynares Sports Center, Antipolo City at ang inaabangang ikalawang season nito simula sa Lunes, July 26.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ang wild card round o "second chance" para sa mga grupong hindi pinalad makarating ng finals. Ginulat naman ang mga hosts ng programa na sina Vhong Navarro, Anne Curtis, at Kuya Kim Atienza nitong Lunes, July 19, nang ipaalam sa kanila na magiging hurado sila tulad ni Vice Ganda sa buong wild card week.

Pero wala pa ito sa nakaabang na surpresa sa gaganaping grand finals kung saan magaganap ang isang misteryosong pagbabalik na may kinalaman sa pagpili ng grupong magwawagi at tatanggap ng P1 milyon premyo.

Bilib naman ang mga bumubuo ng programa kabilang ang kwelang sina Jugs ng Itchyworms at Teddy ng Rocksteddy sa mga grupong lalaban sa finals.

"Kahanga-hanga silang lahat. Lahat sila panalo na dahil nakapagdala na sila ng aliw at kasiyahan sa mga manonood. Ipinakita rin nila ang pagiging positibo ng mga Pilipino, ang patuloy na paglaban maski sa harap ng krisis," ani Vhong.

At tulad ng Madlang Pipol, sabik na rin sila sa ikalawang season na magsisimula sa Lunes , July 26, nang talent-variety show na nagdala ng aliw at inspirasyon sa bawat Pilipino.

"Sa Showtime mo lang makikita ang bawat host, judge, crew, director, at maging Madlang Pipol na kumakanta at sumasayaw at talagang nag-eenjoy magkakasama. Patuloy naming pagbubutihin ang trabaho namain para magdala ng saya sa bansa," ibinahagi ni Anne.

Sino o sinu-sino kaya ang magbabalik at aling grupo naman ang mananaig sa wild card week upang lumaban sa Wall of Famers na Kasibulan, Perlas ng Silangan, Mortal Combat and the Showgays, Beat Guys, Sensei, Savannah Kids Ballroom Dancers, Philippine Islands Assasin, at Enlighten Black Theater Group?

Alamin iyan sa "Showtime" wild card finals ngayong Biyernes, July 23. Huwag palampasin ang pinakakaabangang "Showtime" The Finals sa Sabado, July 24, live sa Ynares Sports Center, Antipolo City, 10:15 ng umaga sa ABS-CBN. Abangan din ang bago at mas pinaaliw na "Showtime" sa darating na Lunes, July 26, pagkatapos ng "Simply KC" sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment