SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, July 22, 2010

Iya Villania in a Showdown With Kulilit?


Mayroon bang hindi kayang gawin si Iya Villania? Kilala sa kaniyang galing sa hosting sa "ASAPXV" at "Us Girls," minsan na ring nagpakitang gilas sa pag-arte ang aktres nang makipagsabayan siya kina Sam Milby at Angel Locsin sa teleseryeng "Only You."

Pero ngayong Sabado, July 24, ng umaga naman, sa pagsasayaw naman magpapasikat si Iya kasama si Bugoy Cari�o ng "Kulilits" sa ABS-CBN. Nilapitan ni Bugoy si Iya para magpaturong gumawa ng isang inuming magdadala ng lakas sa katawan na kailangan ng isang dancer.

To-the-rescue din si Bugoy sa isang batang ayaw kumakain ng gulay habang si Chacha Ca�ete naman ang magtuturo sa mga bata ng mga uri ng Go, Glow, at Grow food. Susubukan din ni Chacha ang food styling kung saan gagawa sila ng iba�t ibang hugis mula sa mga gulay.

Alamin kung ano ang secret drink ni Iya at Bugoy sa isang episode na nagbibida sa tamang nutrisyon sa "Kulilits" ngayong Sabado, July 24, 9:30am sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment