SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Monday, July 26, 2010

Ina Raymundo, Excited on Her Comeback TV Project


Bukod sa unang tambalan nina Rafael Rosell at Denise Laurel, isa pa sa mga pinakaaabangang tampok ng Precious Hearts Romances (PHR) presents Martha Cecilia's Midnight Phantom ang pagbabalik-telebisyon ng "Sabado Nights" girl na si Ina Raymundo.

Hindi maitatangging bagama�t isa nang mommy si Ina, taglay pa rin ng dating sexy star ang kakaibang sex appeal. At nang tanungin siya kaugnay ng mga nagsasabing hindi pa rin nagbabago ang �kamandag� niya, isang nakatutuwang sagot ang binitiwan ni Ina. "Sobrang nakaka-flatter. Kapag ganitong age ka na, bawat compliment ng tao, big deal. Unlike nu�ng dalaga pa ko na parang minsan nate-take for granted lang lahat ng compliments. Thanks for my parents' good genes na namana ko. Happy ako for the natural beauty."

Ngunit sa lahat raw ng compliments, pinakamahalaga ang papuri ng asawa niyang si Brian Poturnak. "My husband always makes me feel desirable. Kahit pa malaki ang tiyan ko because of my pregnancy, hottest pregnant woman pa rin! After all these years, ganon pa rin ang tingin niya sa akin," ani Ina na buntis ngayon sa pang-apat nilang anak.

Ngunit kahit ngayong "hot momma" na si Ina at matagal nang hindi lumabas sa pelikula at telebisyon, nananatili pa rin ang natural na husay niya sa pag-arte. At patutunayan itong muli sa kakaibang role na gagampanan niya sa Midnight Phantom bilang si Anya.

Sa isang interview, ibinahagi ni Ina na na-challenge siya sa character niya sa Midnight Phantom. "I can say na sa lahat ng ginampanan kong roles, si Anya ang pinaka-complex. She has a dark past at madami siyang pinagdaanan. So para sa akin, it's a bit of a wow! I had my reservations in accepting the role at first, kasi afternoon show ito. But I believe in the director, and the team."

Pagdating sa kanyang role, nakaka-relate daw siya sa pagiging maalaga sa anak ni Anya ngunit hindi naman sila pareho pagdating sa pagtatago ng sikreto. "We are similar in some ways. Caring mom si Anya. In the series, Denise is her stepdaughter but she loved her as her real daughter. But we�re different in the sense of I�m open to my children and have no secrets."

Sabi ni Ina na alam ng mga anak niya maging ang sexy career niya. "They know about my movies before that it's kind of sexy. Of course hindi ko pa lahat pwede ikuwento sa kanila at this point because they are very young. Although, they've seen me sa mga magazines na sexy. At yung daughter ko sobrang ina-idolize ako. Gusto niya daw sexy din siya. I told her "no baby, work �yon!"

Nang tanungin naman ni Ina sa kanyang anak sa Midnight Phantom na si Denise, sinabi nitong para talagang anak na ang turing niya sa co-star. "I've worked with Denise sa 'Pangako Sa 'Yo' pa. She calls me mommy at ang treatment parang mag-mommy talaga. Para kasi siyang baby."

At bilang mommy para kay Denise, nagbibigay din siya dito ng mga love and life advices. "I give her advice about work and about relationships. Si Denise kasi �yung tipo ng babae na seryoso na. Kung sino �yung magugustuhan niya, gusto niya �yun na �yun. I tell her, 'just wait'."

Sa magandang samahan ng cast at production ng Midnight Phantom, positibo si Ina sa success ng kanilang series. Sa katunayan, maging siya ay na-e-excite sa takbo ng istorya nila linggo-linggo. "Magaling talaga ang pagkakagawa ng Midnight Phantom. Sa mga hindi pa nakakabasa ng libro, maraming magugulat sa ending sa mga pinagdaanan ni Anya. Sa mga nakabasa naman ng PHR, maganda ang pagkakagawa ni Direk Cathy. Hindi nalalayo sa book. Hinding-hindi talaga dapat ma-miss ang isang episode."

Sa pagpapatuloy ng kwento ng Midnight Phantom, nagtagumpay na si Brandon (Rafael) sa kanyang planong pasakitan ang dating mahal na si Anya. Dahil nabulgar na ang kanilang madilim na nakaraan, nagsimula nang magkalamat ang dating magandang relasyon nina Anya at Nadja (Denise). Inakala ni Nadja na pinakasalan lang ni Anya ang kanyang ama dahil sa pera nito.

Maliban sa nakaraan nina Anya at Brandon, may isa pang sikretong madidiskubre si Nadja tungkol sa kanyang madrasta. Sino o ano nga ba ang madalas na pinupuntahan nito sa Tagaytay? May kinalaman ba ito sa kanilang pamilya o konektado pa rin sa iniidolo niyang si Midnight Phantom?

Halaw sa obra ng batikang pocketbook writer na si Martha Cecilia at sa ilalim ng direksyon ng multi-awarded box office director na si Cathy Garcia-Molina, kasama rin sa PHR presents Martha Cecilia�s Midnight Phantom sina Charee Pineda, Jommy Teotico, Hansen Nichols, JM de Guzman, Spanky Manikan, Beverly Salviejo, Cris Villanueva.

Patuloy na pakatutukan ang mga maiinit na eksena sa well-loved pocketbook novel-turned-TV series, ang PHR presents Martha Cecilia�s Midnight Phantom, araw-araw sa ABS-CBN Hapontastic, tuwing 5:30 ng hapon, pagkatapos ng Panahon 'Ko 'To.


No comments:

Post a Comment