SHOWBIZNEST MOVIE DOWNLOAD Click Here!
SHOWBIZNEST WALLPAPER HD Click Here!

Thursday, July 22, 2010

Lorna Tolentino is Back in "Momay"


Muling matutunghayan ang husay at galing ni Lorna Tolentino sa pagbabalik nito ngayong linggo sa kinagigiliwang primetime series sa ABS-CBN, ang "Momay."

Maraming mga taga-subaybay ng programa ang napaisip kung kalian muling lilitaw ang karakter ni LT . "Pag nakikita nga ako ng mga tao sa labas, tinatanong nila kung kalian ako ulit lalabas sa Momay. Syempre di ko naman pwede i-reveal agad," kwento ni LT. Dagdag pa ng aktres, "Pero ngayon, dapat talaga nila abangan dahil magbabalik na ho ako. Pwede ko na i-announce. Mas lalong dapat niyo abangan ang usad ng kwento."

Sa pagpapatuloy ng istorya ng "Momay," walang tigil pa rin ang pagpigil ni Hillary (Glydel Mercado) kay Justin (Ejay Falcon) sa paghahanap nito sa kanyang ina na si Shirley(Lorna). Ngunit, pursigido ang binata na mahanap ang kanyang ina. Samantala, malalaman ni Mickey (Lito Pimentel) na may isang Shirley Buenavides na kritikal ang kundisyon dahil sa sinapit na aksidente sa Bicol. Ito ang magtutulak kina Justin, Mickey at Momay (Xyriel Manabat) na pumunta ng Bicol at alamin.

Ito na kaya ang pinakahihintay na pagtatagpo ni Momay at ng kanyang ina? Abangan ang kasagutan ngayong linggo sa muling pagbabalik ni Lorna Tolentino sa "Momay" na mapapanood tuwing Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment